Chapter 6

4.5K 90 161
                                    


---

"You okay?" I asked Amara when we were already in the van.

She's only looking at the window. Mukhang malalim ang iniisip. Hindi na siya nagsalita simula nung umalis kami doon sa bahay nina Agezho.

"Yeah, just thinking of something." Sagot niya sakin at nagbigay pa ng maliit na ngiti.

"You know each other?" Tanong ni Drake from the shotgun seat.

"I didn't know she's Agezho's sister." Mahina nitong sabi, na para bang bulong na lang pero narinig namin. Nakakunot pa ang noo nito, mukhang malalim ang iniisip.

"Did she do something?" I asked dahil naguguluhan ako sa expression niya. Nanlaki naman ang mata nito.

"No, nothing. She just talked about something." Nagpapanic na sabi nito.

Nagdududa man ay tumango nalang ako. I guess we're not on the right position to know.

Di naman nagtagal at nakarating na kami sa hospital. Bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko. Amara held on to my arms.

"Kinakabahan ako." Bulong niya.

Hindi nalang ako nagsalita dahil maging ako ay kinakabahan rin at di alam ang gagawin. Kanina ko pa gustong malaman ang mga sagot sa katanungan ko. It's not funny how Agezho left us then we'll know he's in the hospital?

Hindi na namin kinailangan mag tanong ng room number ni Agezho dahil binigay na rin iyon samin ng ate niya. When we arrived there, si Kalen ang kumatok.

Nang walang nagbukas ay we expected na walang tao sa loob maliban kay Agezho kaya walang pag aalinlangang binuksan iyon ni Kalen. Agad na salubong namin ang nanlalaking mata ni Agezho, mukhang nabigla nang makita kami. Asshole.

"What are you guys doing here?" Nagtataka nitong tanong ng makarecover.

"Tangina mo." Sagot ni Aziel, mukha itong naiinis.

"What?" Irap ni Agezho.

Nagsiupuan kami sa may sofa, si Kalen at Aziel ay pumunta sa may bed ni Agezho at tinulungan itong makaupo kahit mukhang kaya niya naman.

"Gago ka pre. Panay katok kami kanina." Sabi ni Drake.

"How did you know I'm here?" Tanong ni Agezho, hindi pinansin ang sinabi ni Drake.

"Your sister told us." Sabi ni Amara.

"Huh? How did you find her? Damn, I left no trace." Sinabi nito ang huling salita da mahinang boses pero narinig pa naman namin kaya tinignan namin siya ng masama.

"Connections, Agezho." Sarcastic na sabi ni Aziel.

"Now bro, explain." Sabi ni Drake.

"Explain what?" Inis na sabi ni Agezho.

"Mag eexplain ka or susuntukin kita?" Pagbabanta ni Kalen kaya napatingin ako dito. Damn, he's scary.

Nakakuyom ang kamao nito na para bang ready na manuntok. Ang mata ay walang emotion, yung boses ay malamig. Napalunok naman si Agezho at napaiwas ng tingin. Kalaunan ay napa buntong hininga.

"I'm sick." Paunang sabi nito. Magsasalita pa sana pero napatigil ng hawakan bigla ni Aziel ang noo nito.

"Wala ka namang lagnat." Sabi pa nito kaya tinignan siya ng masama ni Agezho.

"Bobo ka pre." Sabi ni Drake kaya napiling nalang ako.

"Brain tumor." Mabilis na sabi ni Agezho kaya late na kami nakareact. Nang maprocess iyon ay nanlaki ang mga mata namin.

A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3) Where stories live. Discover now