Chapter 14

4.5K 96 107
                                    


---

I was nervous the whole time as I was looking for him.

Bakit siya umalis? Ngayon ay siya naman ang hindi ko nakita, pano kung lumayo iyon? Hindi ko siya agad mahahanap dahil madilim.

And I'm not a good swimmer, baka malalim na sa malayong parte at doon siya napadpad. Mahihirapan talaga ako sa paghahanap sa kanya!

"Aziel!" I shouted, hoping he'd hear me.

Luminga linga ulit ako, trying to look for him but I can't see him! I can't even hear any movement of splash on the water except its calm waves.

"Damn you, Aziel Martin!" Sigaw ko ulit, nag aalala na before going to the water again and swimming to a different direction.

Hindi doon sa pinanggalingan ko kanina dahil kung doon siya pumunta ay magka salubong kami, we'd feel each other kahit hindi namin makita ang isa't isa.

Nang medyo makapunta sa madilim na parte ay nag palinga linga ulit ako. Hindi na mapigilan ang sobrang pag aalala.

My heart's beating fast because of nervousness. Kanina ko pa siya hinahanap! Why can't I see him. Saang parte ba siya napadpad!

Bumalik ako pero hindi nagtagal sa tubig para luminga linga ulit. Now, tears are building up on my eyes, damn you Aziel. Pag ako umiyak, bubugbugin talaga kita!

Pero hindi nga nagtagal at tumulo na ito lalo pa nung wala na talagang movements na maramdaman. Damn it.

Baka pinulikat siya habang lumalangoy! And then he can't stand up! Paano kung nalunod na iyon!

Anong gagawin ko? I can't see him. Damn it.

With all these thoughts and worry, tumulo na nga ang mga luha ko.

Hindi ko na napigilan pa, nag aalala na talaga ako. Medyo lumapit pa ako sa may ilaw, trying to make use of it so I could see him pero wala talaga.

I looked around more, pero agad napasigaw ng biglang may dumakma ng paa ko. It was hard and hot, hindi ko alam kung ano iyon.

Napapikit nalang ako, kasabay ng mas maraming luhang tumulo sa mata dahil di maiwasang matakot. I don't even know if what's making me more scared right now, yung nakakatakot na bagay ba sa paa ko o si Aziel na hindi ko mahanap.

Pero ng maalala ulit iyon ay napamulat ako ng mata, wanting to look for him again. But instead of water, isang dibdib ang nakita ko.

Mas lalo lang tumulo ang luha ko, ngayon ay napahikbi na rin.

He's in front of me, Aziel's in front of me now! Gulat at nakaawang ang labi dahil nakitang umiiyak ako.

"Hey, Ellie." Sabi nito ng matauhan.

He went near me and cupped my cheeks, wiping my tears away. Tinignan ko naman ito ng masama kahit panay tulo pa rin ang luha sa mga mata.

"I'm sorry, did I scare you? Kamay ko lang iyon, Ellie ko. Wag ka nang matakot." Nag aalalang sabi nito, his voice were soft too.

Hindi ako makapagsalita, hindi naman iyon ang dahilan bakit naiyak ako eh. It's because of him! Damn him!

"Sorry na, Ellie." Sabi nito at mas pinatahan ako. Hinaplos niya ng marahan ang pisngi ko habang titig na titig sa mga luhang natulo galing sa mga mata ko.

"Damn you, Aziel." Sabi ko dito, my voice even shaked!

"Shit. Sorry, hindi ko alam na matatakot ka." Sabi ulit nito at hinila ako palapit.

He embraced my now cold body because of the wind and the water. Sakanya ay mainit pa rin, making me calm a little.

His arms are wrapped on my shoulders as he pulls me closer, his one hand on the back of my head and the other one is on my back, caressing it slowly.

A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon