Chapter 9

4.1K 102 22
                                    


---

Di ko namalayang may mga luha na palang tumulo sa pisngi ko. Pupunasan ko palang sana iyon ng maunahan ako ni Aziel.

He cupped my cheeks and wiped my tears. He's staring seriously at my eyes, sometimes, ang mga mata niya ay sinusundan ng tingin ang bawat luha na tumutulo sa mata ko.

Napabuntong hininga ito.

"Hindi ba dapat ako ang umiiyak ngayon, Ellie?" Malambot na sabi nito, may mapang asar rin itong ngiti sa labi kaya sinuntok ko siya sa tsiyan na ikina aray niya.

"Bakit kasi ako? Bakit hindi si Amara! Kaibigan mo rin naman siya. Parehas lang kami!" Sabi ko dito. Baka naguguluhan lang siya eh.

"Hindi kayo parehas Ellie ko." Malambing nitong sabi kaya napaiwas ako ng tingin. "Ikaw, gusto ko. Si Amara, kaibigan lang talaga ang turing ko."

"Paano mo naman nasabing ako ang gusto mo? Baka naguguluhan ka lang, Aziel!" Sabi ko pa dito.

Napabitaw naman ito sa pisngi ko at umayos ng tayo. Ngayon ay umiwas na rin ng tingin. Naglabas ito ng malalim na hininga bago ako ulit nilingon.

"Dahil dito." Inabot nito ang kamay ko at inilapat sa may dibdib niya. Sa lugar kung nasaan ang puso niya. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso nito. "Ikaw lang ang nakakagawa niyan, Ellie. Hindi si Amara, hindi ang kahit na sino."

Napatitig ako doon bago sa mata niya. Napakagat labi ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Gusto ko mang ipaglaban na baka naguguluhan lang talaga siya ay ayaw ko naman iinvalidate ang feelings niya. It's his and for sure, he really know what he's feeling.

Hindi ko maiwasang mailang dahil sa nangyari at sa mga pinagsasasabi niya. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman!

Bakit naman kasi ganito? Bakit ako pa, Aziel?

"I'm not expecting anything in return, Ellie. I'm just telling you because I don't think I can hide this anymore." Sabi nito pagkatapos ang mahabang katahimikan.

Napatango nalang ako. Hindi alam ang sasabihin.

"Umuwi na tayo." Mahina kong sabi at napaiwas pa ng tingin.

Napabuntong hininga ito bago dahan dahang tumango.

Tahimik kaming nagligpit ng mga gamit namin. Ni hindi na nga namin naubos ang pagkaing dala eh dahil hindi naman kami nagtagal doon.

Naging tahimik rin ang byahe pauwi. I didn't talk to him, I'm still processing everything. Nang makarating sa dorm ay nagkulong nalang ako sa kwarto. Napapaisip sa sinabi niya.

Matagal na siyang may nararamdaman sakin? Does that mean, I'm the person he likes? Yung sinabi niya sakin noon na taong gusto niya ay ako?

And the manhid one. Damn. Manhid ba talaga ako? Ayoko mang aminin pero kung totoo ngang ako ang gusto niya, I can say naging manhid nga talaga ako.

Hindi ko naman alam na ako yung taong gusto niya! I even had doubts it's Amara pero ako pala!

How? Bakit ganon?

Bakit ako?!

Because of what happened, I became distant with him the next few days. Well, we were busy with our internship rin naman so we barely saw each other. But every time we do, we don't talk to each other.

And he didn't complain, mukhang binibigyan niya rin ako ng oras na iprocess ang lahat ng sinabi niya. Ang nararamdaman niya.

I think the other two noticed it too but they didn't ask and just let us be.

A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3) Where stories live. Discover now