#ILYIS

491 44 56
                                    

Prologue

Maraming nagsasabi na, kapag tinamaan ka, tinamaan ka.

Hindi raw kasi natin madidiktahan kung ano yung sinasabi ng puso natin. Kaya once na tinamaan ka sa isang tao, wala ka na raw kawala.

Pero sabi ko naman, kapag tinamaan ka, tanga ka.

Kasi para sa akin, yung mga bagay na yan tulad ng love at first sight, destiny, kupido at kung ano-ano pang pina-uso ng mga taong ang tanging alam lang ay maglandi at mangarap na may happy ending ay puro kathang isip lang at walang katotohanan

Mga uto-uto.

Makikitid yung utak.

Bobo.

Tanga.

Utak langaw.

Yan yung mga nararapat na itawag sa kanila!

Sa mga taong naniniwala sa happy ending.

Sa mga taong naniniwala na kapag may nabangga siya sa pathway ay sila na raw sa huli.

At sa mga taong naniniwala sa forever. Gaya nalang ng Jadine, na may pakanta-kanta pa silang nalalaman na 'naniniwala na ako sa forever, magmula ng makilala kita', pero sa dulo nagbreak din naman ang mga putangina.

Kaya para sa akin, lahat ng kabaduyan at katangahan na yan ay hindi nangyayare sa totoong buhay.

Kasi sa totoong buhay, walang forever at walang happy ending.

Dahil sa totoong buhay, lahat walang kasiguraduhan. Hindi natin alam kung ano nga ba ang mangyayare kinabukasan, at hindi rin natin alam kung hanggang saan nga ba tayo dadalhin ng kapalaran.

Pero sa kaso ko, kahit hindi pa nangyayare at natatapos ang kwento ng buhay ko, alam kong masasaktan lang din ako sa dulo.

Paano ko nalaman? Simple lang.

Dahil nagmahal lang naman ako ng isang taong hindi magiging akin kailanman.

* * *

I LOVE YOU, I'M SORRY
©All Rights Reserved
BlackEnWhiteII. 2022

* * *

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

* * *

Author's Note: Handa na ba kayong tumawa? Mainlove? Masaktan? Mainis? At ma-cringe? Halina't subaybayan  na natin ang storya ni Ron tungkol sa labis na pagmamahal niya para sa kabigan niyang si Zyara na halata namang walang pakialam sa kanya.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now