[24] Intramurals (Part IV): Opening Ceremony Volume 1

17 4 0
                                    

Author's note: Ready your headset or earphones, 'couz we will be having a 2 chapters videoke party! Enjoy! #ILYIS

* * * * *

ZYARA'S POV.

Naudlot naman ang pagtitig ko kay Kurt na ngayon ay ilang hakbang na ang layo sa akin nang may biglang tumawag sa akin.

"Zya, dito!" Agad kong hinanap kung sino man yon, hanggang sa nakita ko siya.

It was Yuhan. Seatmate ko slash ang isa pang kauri ni Kier na palaging nakangiti sa di malamang dahilan.

He's standing near the entrance of the oval. Patiently waiting for me, kaya minadali ko na ang paglalakad.

Nakakahiya naman kasi sa kanya na mukhang kanina pa ako hinihintay.

"Napasarap yata tulog mo ah!" Biro niya nang nasa tabi niya na ako.

"Not really." I answered. "By the way, nasaan sila?"

"Nandoon na." Aniya atsaka itinuro yung nagkukumpulang mga estudyante malapit sa mini stage. "Kanina pa kasi nag-start yung event. So ano? Tara?" Tanong niya, tumango naman ako.

♪♪♪ Tulad ng mundong
hindi tumitigil sa
pag-ikot pag-ibig
di mapapagod. ♪♪♪

"Sila Ron na ba yung nagpeperform?" I asked when i heard a familiar voice.

I am a hundred percent sure that what voice I've heard definitely came from him. Sa ilang taon ba naman naming magkakasama, of course It's easy for me to recognize my friends' voices.

"Ah! Oo! Pero wag kang mag-alala kakaumpisa palang nila."

♪♪♪ Tulad ng ilog na
hindi tumitigil sa
pag-agos pag-ibig
di matatapos. ♪♪♪

While we are reaching closer to the venue ay mas nakikita't naririnig ko na ang nangyayaring hiyawan at kaguluhan. Tanaw ko rin mula rito si Ron at ang mga kabanda niya na nagpeperform na sa stage na nakahanda para sa mga performers tulad nila.

Nang mas nakalapit na kami ay halos mabasag na yung tenga ko dahil sa mga tili ng mga babaeng nadadaanan namin.

Seriously?

As a matter of fact hindi naman artista yung mga taong nagpeperform sa harapan namin, though they have looks pero hindi naman siguro ganito ang dapat nilang i-react.

Kung mas may ihihigit pa yung words na over-acting siguro yun yung nararapat na salita para i-describe sila.

And to be honest it's very annoying.

Because aside from their over-acting thingy, sa totoo lang hindi naman talaga yung talents ng mga kaibigan ko yung dahilan kung bakit sila nagtitilian eh.

Just the looks.

And that is one of the sad realities nowadays. Kapag may itsura ka panalo ka. Kahit wala kang talent, o kahit wala kang mabuting nagagawa ay pupurihin ka pa rin nila.

While on the other hand, kahit na may talent ka, o kahit na magaling ka sa lahat ng bagay pero hindi ka naman ganun kaganda/kagwapo, at the end of the day you're just a piece of trash to others.

Reality sucks indeed.

Mabilis rin naman kaming nakapunta ni Yuhan sa harapan---thanks for his talent of making people give way to us, by the way. Naabutan namin doon si Sheia na...well nakatulala nanaman kay Bry na nagpeperform sa harapan, kasama niya yung iba naming kaklase at isa na ron si Leo na sumalubong sa amin ni Yuhan.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now