[08] She Smiled (Part I)

48 11 3
                                    

RON'S POV

Mula ng pumasok ako sa school, weekends na yung naging paborito kong araw. Kasi pag weekends ang ibig sabihin lang no'n ay walang pasok, at kapag walang pasok walang gagawin, at kapag walang gagawin no hustle, no hustle means stress free.

Pero sa araw na 'to kahit sabado naman at kahit wala namang pasok, pagkagising ko palang ng umaga ay nasira na kaagad yung araw ko.

Sino ba naman kasi ang hindi masisira ang araw kung yung taong kinaiinisan at iniiwasan ko ay nandito sa bahay, at ang mas malala pa niyan, ay nung nalaman kong balak niya pala dito tumira ng ilan pang lingo.

Siyempre akala ko nung una panaginip lang ang lahat nang nangyari kagabi. But i was wrong.

Imagine, after niya akong batuhin ng masasakit na salita kahapon, narito lang naman siya ngayon nakikitira sa bahay ko, nakikikain, nakikitulog at nakikipagsalamuha sa akin na para bang walang nangyari sa amin kahapon.

Lets be honest here. Of course there's still part of me that was happy to know na dito siya titira ng ilang araw.

Again! To clarify your tiny brains people, PART OF ME! Ibig sabihin hindi buo.

Kung hindi niya lang sana ako pinagsabihan ng masasakit na salita kahapon baka pagsisilbihan ko pa siya ngayon eh.

Pero dahil nga sinaktan niya lang naman ang aking puso na dapat ay para sa kanya lang. Magdusa siya.

Sa totoo lang hindi naman siya kawalan, madami namang babae dyan sa tabi-tabi na handang gawin ang lahat para lang maging girlfriend ko. Eh siya? Hindi na nga maganda inside and out, hindi pa lapitin ng mga lalaki.

Kawawang Zya. Tss tss tss...

"Hoy kuya!"

"Ay putangina! Ano ka ba Tintin ang aga-aga nanggugulat ka!"

"Ikaw kuya, ang aga-aga kababuyan na agad yang lumalabas sa bibig mo! Magbagong buhay ka na nga! Kaya hindi ka magawang mahalin ng babaeng gusto mo eh kas----"

"Hep hep hep!" Pagpuputol ko sa sasabihin niya. "For your information my ugly niece, she's not my type anymore!"

"Talaga ba? Eh bat kanina mo pa siya tinititigan?"

"Sino ba?" I asked, even though I already knew who's she referring to.

Of course the one and only, Zyara Faye Ventura na ngayon ay naglilinis ng sala, na halata namang pakitang tao lang ang lahat ng yon.

"Wag ka ng magpalusot kuya dahil kanina pa din kita pinagmamasdan."

"Tin wag! Ang bata mo pa para magkagusto sa akin, atsaka pamangkin kita alam mo yan! Gusto mo ba isumbo---" Hindi ko naman na naituloy pa yung pagtatantrums ko dahil sinikmuraan lang naman ako ng sadista kong pamangkin.

Tangina! Ang sakit!

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo kuya! Kadiri ka!" Mataray niyang sabi atsaka naglakad palayo.

"Biro lang naman yun eh! Oy teka san ka pupunta?" Tanong ko habang namimilipit pa rin sa sakit. Nilingon niya naman ako kaagad.

"Sa babaeng patay na patay ka." Aniya na nagpahinto sa akin saglit, pero matapos kong mapagtanto kung sino yung tinutukoy niya ay agad ko siyang hinabol.

At ang paghabol sa kanya ay sa tingin ko ang pinakamali kong nagawa sa araw na ito. Dahil huli na ng mapagtanto kong nasa harapan na pala kami ni Zyara na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa aming dalawa ni Tin.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now