[22] Intramurals (Part II): A Night Before Tomorrow

20 4 0
                                    

ZYARA'S POV.

When the time strikes at exactly 9:30 PM, I decided to close the shop already.

Nagkaroon kasi ng adjustment sa oras ng pagsasara ko ng shop, at may kinalaman dito ang Intramurals na gaganapin na bukas.

Dahil siguro sa gabi na masyado natatapos ang practice nila Bry and there's also instances na hindi na siya totally nakakapunta dito sa shop niya nang dahil pa rin sa paghahanda ng banda nila sa Intramurals ay napagdesisyunan niyang i move ang oras ng pagsasara ko ng shop from 10:00 PM to 9:30 PM.

According to him, ginawa niya yon para sa kaligtasan ko. Masyado raw kasing delikado kung mag-isa akong umuwi ng dis-oras ng gabi, though okay lang naman sana sa akin dahil kaya ko naman yung sarili ko, pero pinilit niya pa rin talaga ang gusto niya.

Well, he's my boss after all, ang I can't do anything about that.

Speaking of him being my boss. He's not that type of boss na strict and cold pagdating sa mga empleyado at customers niya. Malayong-malayo sa personality niya 'pag nasa school siya na parang allergic siya pagdating sa tao, lalo na kay Sheia, though may similarities pa rin naman, but i like him even more outside of the University than what he is when he's wearing his uniform.

Siguro dahil sa uri ng trabaho niya kaya kailangan niyang maging approachable sa mga taong pumapasok ng shop niya, but i think ugali niya na talaga yon, he's just hiding it from whatever reason he has.

Another thing that i actually like to his personality as a boss, he is very considerate when it comes to his employees. Gaya nga ng sinabi ko kanina, nagawa niyang i-adjust yung oras ng pag-uwi ko para lang sa kaligtasan ko.

Also nung baguhan pa lang kasi ako, wala pa akong alam sa pagtitimpla ng kape at sa kung ano-ano pang gawaing pang-kusina maliban sa paghuhugas ng plato. Natuto lang talaga ako dahil palagi niya akong gina-guide at tinuturuan sa mga dapat kong malaman, kaya naman ngayong lampas isang buwan na ako sa shop niya, ay hindi na ako gaya ng dati na kailangan pang i-guide sa mga gawain na dapat alam ko na.

Siguro kung ibang amo lang yon, baka napaalis na nga ako nasigawan pa ako ng mga masasakit na salita.

Now I understand kung bakit naging kaibigan nila Ron at Kier itong amo ko aside from the fact that they are bandmates, because i realized that he's more than what i think he is.

Paano nalang kaya kung nakikita ni Sheia 'tong mga nakikita ko sa 'ultimate crush' niya siguro gagawin niya na talaga ang lahat para lang maangkin 'tong amo ko. But, i doubt na makikita niya 'tong mga nakikita ko, kasi wala siyang kaalam-alam na yung 'ultimate crush' niya ay nagmamanage lang naman ng business. Kaming tatlo lang talaga nila Ron at Kier ang may alam sa aming apat. Bukod kasi sa hindi gaanong gala ang babaeng yon pinaki-usapan rin kasi kami ni Bry na kung hangga't maaari ay wag naming sabihin kay Sheia ang tungkol sa shop niya dahil baka raw hindi siya makapag focus nang dahil kay Sheia.

Naintindihan ko naman agad ang point niya, dahil kilala ko ang kaibigan ko. Alam kong kapag nalaman niya ang about sa shop ni Bry ay baka doon na siya tumira para lang hindi maalis sa paningin niya ang amo ko.

As of the moment, narito ako ngayon sa kusina at tinatapos na hugasan ang mga pinagkainan namin nila Ate Sandra at Athena kanina. Medyo nanibago nga lang ako kasi simula nung magtrabaho ako ay hindi ko na sila nakakasabay sa pagkain, pero kanina kahit malapit ng mag alas diez ng gabi ay hinintay pa rin nila ako.

Pinaliwanag naman sa akin ni Ate kung bakit pa nila ako hinantay, at ayon sa kanya ay gusto raw kasi ni Athena na makasabay kami ni Ron sa pagkain, medyo matagal na rin kasi yung last time na sabay-sabay kaming apat na kumain, kaya naman namiss na raw ni Athena yon, though hindi nga lang nakahabol si Ron kanina dahil nang tinawagan namin siya ay may pinuntahan pa raw sila nila Kier at Bry, kaya wala kaming ibang nagawa kundi ang kumain na kahit wala pa siya.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now