[03] How to attract girls?

135 23 41
                                    

RON'S POV.

"Ano, wala pa ba Tin?"

"Wala pa, kuya."

"Ba't ang tagal naman yata niyan?" Inis ko ng sabi, kaya naman agad rin akong nakatanggap ng isang masamang tingin na galing lang naman sa pamangkin kong daig pa ang matanda kung umasta.

"Anong magagawa ko kuya? Eh nagloloading pa nga!"

"Oh easy ka lang Tin, ang init naman agad ng ulo mo..." Nakanguso kong sabi, inirapan niya naman ako.

Five Minutes Later...

"Oh ano na Tin?"

"Wala daw signal kuya."

"Putanginang converge naman yan! Wala na talagang magandang naidulot sa buhay, kung pasabugin ko nalang kaya no!?"

"Ikaw ang bahala, kuya."

Another Five Minutes Later...

*Yaaawwwnnnn!*

"Wala pa ba?" Inaantok ko ng sabi.

"Kaunti pa kuya."

"Takte naman! Papasabugin ko na talaga yang putanginang converge na yan ha! Isa pa!"

And Another Five Minutes Later...

"Oh kuya, okay na!" Maya't-maya'y sabi ng pamangkin ko, kaya naman hindi ko na napigilan pang hablutin na yung cellphone sa kamay niya at tignan na kaagad kung ano man yung lumabas sa sinearch namin.

"Hay sa wakas, akala ko papasabugin ko na talaga yang converge na yan eh! Pero teka, sure ka bang legit 'to, Tin?"

"Aba malay ko kuya, nagsearch lang naman ako!" Aniya na ngayon ay nakatingin na rin sa cellphone na hawak ko.

"Eh bat pa natin 'to babasahin kung di ka rin naman pala sure na legit nga 'to!"

"Paano nga natin malalaman kung legit yan kuya kung hindi naman natin susubukan."

"Oo nga no!"

"Akin na nga yan! Ako nalang magbabasa!" Inis niyang sabi saka niya hinablot sa kamay ko yung cellphone.

"Teka Tintin! English yan eh baka di mo maintindihan!" Sabi ko pero tinignan niya lang ako ng walang kaemo-emosyon.

"Anong tingin mo sa akin kuya? Mangmang?"

"Bakit? H-hindi ba?" Nag-aalangan kong sabi, inirapan niya naman ako.

"Ewan ko sayo! Halika na nga kuya at basahin na natin 'to!" Sabi niya, agad rin naman akong sumunod.

* * *

8 THINGS A GUY MUST DO TO ATTRACT WOMEN.

Tip #1: Find things you have in common.

Tip #2: Be approachable.

Tip #3: Be kind and funny.

Tip #4: Be a good friend.

Tip #5: Be a gentleman.

Tip #6: Keep up in school.

Tip #7: Take care of your self and your appearance.

Tip #8: Build your self esteem and confidence.

* * *

"Oh ano kuya? Gets mo ba?"

"Oo naman, pero..."

"Pero ano?"

"Paano ko yan magagawa eh wala nga siyang pakialam sa paligid niya, atsaka ni hindi ko nga man lang siya malapitan at makausap ng matino."

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now