[30] Intramurals (Part X): Sports Fest

30 2 1
                                    

KIER'S POV.

CHAOS.

It is the perfect word to describe the situation of our University right now. Of course i didn't mean in a negative way, but actually it is the opposite of it.

Iba't-ibang palaro kasi ang ginaganap ngayon saan mang sulok ng University, Siyempre andyan pa rin ang mga karaniwang sports na nilalaro, gaya nalang ng Basketball, Volleyball, Table Tennis, and the likes. Bukod don, may mga inihanda ring mga pa-parlor games ang Student Councils, gaya nalang ng sack race, sapuhan ng itlog, at marami pang iba. Ang tanging pinagkaiba lang ngayon kaysa sa nagdaang dalawang araw ay mas magulo, dahil lahat ng estudyante ay pwedeng sumali sa iba't-ibang klase ng laro, mapa-athlete man o hindi.

Gaya ng nakagawian, tuwing ginaganap itong Sports Fest. Mahahati sa apat na grupo ang lahat ng Senior High Students, regardless kung anong Strands ka, at kung anong grade level ka na. And as usual the team who will win the most, ay makakatanggap ng exclusive prizes.

At kapag sinabi kong exclusive prizes ay mga chichirya lang yan. Don't expect too much madlang pips, baka kasi mamulubi yung mga nag-o-organize nitong event kung literal na exclusive prizes nga ang ibibigay sa mananalong team. Higit dalawang daang estudyante ba naman bawat team, sinong hindi matatakot mag pa premyo kung ganon karami yung bibigyan, diba?

BUT! Despite of it, gigil pa rin talaga ang ibang estudyante para lang manalo. Pero siguro hindi na yun dahil sa mga prizes, kun'di ayaw lang talaga nilang magpatalo. Ewan ko ba sa mga tao ngayon, takot na takot kapag naapakan yung pride nila, kagaya nalang nitong katabi ko na eager rin na manalo, hindi nga lang para sa team gaya ng ini-aim ng karamihan ng estudyante ngayon, instead he's eager to win against a specific person. At siguro naman kilala niyo na kung sino yung tinutukoy ko.

Mula palang kasi kanina nung nag start itong sports fe---ay mali! Actually pagkagising palang namin kaninang umaga ay iba na yung timpla nitong si Ron.

Yung tipong daig niya pa yung nireregla.

Ewan ko kung dahil ba 'to sa nangyare kagabi? O baka naman sadyang hindi lang talaga maganda yung gising niya? O kaya, dahil hindi nanaman sila naging magkagrupo ni bebe niya sa sports fest in four consecutive years. O pwede rin namang all of the above.

At mas lumala lang ang pagiging beast mode niya nang nagsimula na ang mga palaro---OR mas tama yatang sabihin na... mas lumala lang ang lahat ng makita niya yung bebe niya na may kaharutang iba. Magkasama kasi sa team red sina Zya at Kurt kaya palagi silang magkasama. While me and my so called bestfriend ay nasa team blue. Team green naman sina Pagong at Jaden. And lastly Bry, who was separated from us is on team yellow.

Going back to the topic. So ayun na nga madlang pips! Kung nakamamatay lang talaga ang pagtitig ay baka kanina pang umaga pinaglalamayan si Kurt. Paano ba naman kasi kahit saan man siya magpunta ay nakasunod lang ng tingin itong kaibigan ko.

Well hindi ko naman masisisi si Ron, dahil palaging nakabuntot itong si karibal kay Zya. Kaya kung ako ang nasa katayuan ni bestfriend, baka hindi ko lang tinitigan yung palaging nakabuntot sa crush ko, baka inupakan ko pa.

Pero buti nalang talaga ay hindi ako yung nasa katayuan ni Ron. Baka kasi magasgasan lang ang aking precious hands.

Anyway, kanina ko pa rin napapansin na para bang hinahayaan lang ni Zya na nakasunod sa kanya si Kurt. Wala man lang siyang karekla-reklamo sa pagsunod ng asungot na yon sa kanya. Eh sa pagkakatanda ko ay may nangyari pang away sa pagitan nila last month lang. Maliban don, ay para bang napaka-komportable na nila sa isa't-isa. At nagsimula ang lahat ng 'to matapos ang nangyari nung isang araw, yung naabutan namin sila ni bestfriend sa practice room na silang dalawa lang.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now