[19] Rooftop

14 5 0
                                    

KIER' POV.

Time check it's 9:23 PM.

Anyway, just to inform y'all. Hindi na nga pala kami uuwi ni pagong sa mga bahay namin, kasi bukod sa gabi na ay hindi na rin kami pinayagan pa ni Ate Sandra, masyado na raw kasing delikado ng ganitong oras baka raw mapano kami.

Nakapag-paalam na rin pala kami ni Sheia sa mga magulang namin-oh! To be specific, si Sheia lang pala ang nakapag-paalam. Ako kasi kahit umuwi man o hindi, walang kaso yon kay mama. Busy eh. As always.

Dumating na rin pala yung mga inorder naming pagkain para sa dinner namin. Hindi na kasi naharap pang magluto ni Ron o ni Ate Sandra dahil nga sa nangyari, kaya instead na pagtiisan ang maaaring kalalabasan ng luto naming tatlong magkakaibigan---na hindi biniyayaan ng galing sa pagluluto, we decided na umorder nalang.

Pero hanggang ngayon ay wala pa ring gumagalaw sa mga pagkaing iyon, dahil gusto sana naming tatlo na sabay-sabay kaming lahat na maghapunan, despite of what just happened a while ago. At isa pa, hindi naman kami ang may-ari ng bahay na ito, nakakabastos naman kasi kung hindi namin hihintayin or aayain man lang na kumain yung mga talagang may-ari nitong bahay no!

Pero ilang saglit lang ay may narinig na akong mga yabag na galing mula sa taas. Kaya naman agad kaming nagkatinginan na magkakaibigan. At base palang sa inasta nila alam kong gaya ko ay umaasa rin sila.

Umaasang sa pagkakataon na ito ay hindi nalang si Ate Sandra yung bababa mula sa ikalawang palapag. Na sana kasama niya na rin yung best friend ko at siyempre si Tin.

But unfortunately, hindi yun nangyari. Dahil si Ron lang ang taong pababa ngayon mula ng hagdan, wala ng iba.

But when I see that he is smiling, my disappointment slightly fading away. Kasi kahit na hindi niya kasama bumaba si Tin, at least we still have him. Eka nga ng iba, mas mabuti ng meron kaysa wala.

And also, seeing his genuine smile, i can say that he has something good update for us. Kaya kahit papaano ay gumaan na rin ang loob ko tungkol sa kalagayan ni Tin.

Hindi naman siguro ngingiti 'tong lalaking 'to kung may masamang nangyari diba?

"She's fine now, there's nothing to worry about." Nakangiti niyang sabi na para bang siya yung mga doctor sa palabas na nagsasabi kung ano ang lagay ng pasyente.

"Pwede bang linawin mo Ron." Pag-aangal nitong si pagong. Tinignan naman namin siya ng nagtataka.

"Anong linaw pa ba ang gusto mo? Eh napakalinaw na no'n?"

"Mag-tagalog ka! Alam mo namang mahina ako dyan sa english spokening dollar na yan eh." Aniya, kaya't napabuga nalang ako ng hangin.

Mukhang wala na kasi talagang pag-asa 'tong kaibigan namin. Kumbaga sa cancer ay nasa stage 4 na yung pagiging slow niya.

"Atsaka teka nga! Pansin ko lang na kanina pa kayo english-ng-english. Ano bang nakain niyo ngayong araw ha?"

"Wala pa. Kita mong ayan palang yung pagkain natin oh!" Turo ko sa mga inorder namin, sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Sorry pala kung pinaghintay ko kayo. Ano tara na sa taas para makain na natin yang mga inorder niyo."

"Ron. Ano bang sinasabi mo? Bat ba tayo pupunta sa taas eh andyan lang yung kusina oh---aray unggoy! Bakit ka ba nambabatok ha! Papansin talaga 'to!"

"Alam mo pagong, wag ka ng magsalita kung wala lang ding kwenta yang mga sinasabi mo!"

"He! Manahimik ka hindi kita kausap!" Sigaw niya sa mismong mukha ko, kaya naman hindi ko mapigilang mapaluha ng slight.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now