[26] Intramurals (Part VI): His Cheerleader

20 4 2
                                    

RON'S POV.

When the opening ceremony officially ended, the sports competition between different strands has begin.

Mukhang wala talagang balak magsayang ng oras ang mga student councils dahil halos katatapos lang ng performance namin ay nagsimula na kaagad ang mga sports na kasalukuyang ginaganap sa mga designated areas dito sa loob ng University.

Gaya nalang ng baseball at football na ginaganap ngayon sa napakalawak na oval, kaya kung tatanga-tanga kang umilag ay paniguradong sa infirmary na ang tuloy mo dahil sa mga nagliliparang mga bola na nanggagaling sa kung saan.

Sa mga gyms naman ay naroon ginaganap ang badminton, volleyball, table tennis, arnis at kung ano-ano pa. Kaya literal na kahit saan ako lumingon o pumunta ay puro sports lang ang nakikita't naririnig ko.

On the other hand, kung ang mga athletes ay halos makipagpatayan na para lang makuha ang gold, may iba namang paglamon lang ang inatupag. Mayroon ring nakikipaglampungan lang sa tabi-tabi. At siyempre, may mga katulad ko ring napipilitan lang na manuod dahil sa putanginang attendance na yan.

But actually, i have other reason kung bakit ako napipilitang manuod ngayon ng basketball kahit ayoko naman talaga, at ang rason ko? Siyempre ano pa ba? Edi...

Secret!

As of now kasama ko ang mga ka-bandmates ko na nakaupo sa isang sulok ng close gym na ito, kung saan kasalukuyang ginaganap ang larong basketball.

To be honest, I don't have any knowledge or idea about it, because obviously i don't like basketball, or should I say I don't like sports in general.

Masaya na ako sa pagkanta, yun ang buhay ko at wala na akong ibang gusto maliban don.

Kung meron man ay si Zya lang talaga.

Hehe!

Anyway, sa aming magkaka-bandmates si Jaden lang talaga ang mahilig sa basketball. Minsan ay nakikisabay siyang makipaghiyawan sa mga tao, habang kaming tatlo naman nila Bry at Kier ay nakatulala lang dahil obviously wala kaming alam sa nangyayare.

Actually, kanina pa ako naiinip dito---at mukhang ganun rin ang dalawa kong kasamang pinilit ko lang naman talagang pumunta dito, dahil sa agenda ko mamayang half time---Dahil yata sa ayoko talaga ng basketball ay feeling ko napakabagal ng oras, pinipilit ko namang i-enjoy ang panunuod ng laro gaya ni Jaden, para naman kahit papaano ay maging mabilis ang takbo ng oras, pero kahit na anong gawin ko ay hindi ko talaga maenjoy ang pinapanuod ko. Bukod kasi sa napakaborring ng laban dahil natambakan lang naman ng TVL ang strand na kinabibilangan ko at ni Kier ay nalilito rin kasi ako sa mga rules at regulations ng laro.

Minsan kasi ay biglang pipito yung referee sa di malamang dahilan. Tapos may nalalaman pa silang paikot-ikot ng kamay tapos minsan naman ay bigla na lang susuntok sa hangin.

Yung totoo, may sayad ba 'tong mga referee na 'to?

Hay ewan!

Nakakalito! Wala talaga akong maintindihan kahit na anong pag-intindi pa ang gawin ko. Kaya mas mabuti pa yatang isipin ko nalang si bebe ko eh.

Oh! Speaking of bebe ko, bigla na lang akong napangiti dahil sa naalala ko. Actually hindi talaga mawala sa isip ko ang bagay na 'to kanina pa eh.

Alam niyo ba kung bakit?

Nakakakilig kasi!

"Aray pre! Bakit ka ba nangungurot dyan! Pinagpapantasyahan mo na ba yung mga basketball players na naglalaro? Ha?" Bulyaw ni Kier, agad rin naman siyang nakatanggap ng mahinang suntok na galing sa akin.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now