[21] Intramurals (Part I): Preparation

24 4 12
                                    

RON'S POV.

Almost 1 month na ang nakalipas matapos ang nangyari kay Tin. Naging normal naman ang lahat matapos ang araw na yon, maliban lang sa mga nabagong mga daily routine.

Every weekends kasi ay imbes na nakikipaglambingan ako kay bebe ko na nagtatrabaho sa coffee shop ni Bry ay napilitan akong mag-stay rito sa bahay para bantayan ang pamangkin ko, though ineenjoy ko rin naman, kasi kahit papaano ay may time na ako para bwisitin si Tintin.

Tuwing weekdays naman, dahil nga may pasok ako at si insan ay yung private tutor nalang ni Tin yung nagbabantay sa kanya. Kumbaga dalawang trabaho na yung pinapasukan niya. Ang pagtuturo at ang pag-aalaga sa pamangkin ko.

Double pay naman siya kaya wala siyang dapat ireklamo.

Anyway, September na nga pala ngayon, and it only means one thing, and that is...

INTRAMURALS.

Every first week kasi ng September ginaganap ang intramurals dito sa University. Kaya naman samu't-saring activities nanaman ang paparating na kailangan talagang paghandaan.

3 days lang naman ang Intramurals dito sa University, hindi gaya ng ibang school na halos abutin pa sila ng isang linggo bago matapos.

In the first two days, it is the usual sports competition between different strands. Kung saan ang apat na strands which are STEM, ABM, HUMSS, at TVL ay maglalaban-laban sa bawat sports category. At kung sino mang strand ang makakuha ng pinaka-maraming gold bago matapos ang event ay makakakuha lang naman ng incentives, hindi lang ang mga estudyante kun'di maging mga professors din.

Kaya naman, hindi talaga mawawala ang pagiging competitive ng bawat estudyante at professors ng bawat strands sa paparating na event.

Dahil sa totoo lang, hindi nalang incentives ang pinag-lalabanan dito eh. Pride din. Of course who would not be proud if your respective strand will be entitled as the overall champion of this once in a blue moon event, right?

Siguro kung ang strand namin ang manalo, baka isang buong sem akong taas noong naglalakad sa lahat ng hallway na madadaanan ko.

Overall champion ba naman. Sheeesshhh!

By the way, nasabi ko na ba sa inyo kung anong strands naming magkakaibigan? Kung hindi pa,

Edi sori na...

We are currently taking Humanities and Social Sciences, and we are graduating students already. So basically eto na yung last time na makakasali kami sa event na 'to as a senior high student, though may Intramurals din naman ang college pero mukhang hindi ko yata maeenjoy dun, given the fact na college na nga kami, magagawa pa ba naming ienjoy ang Intrams kung patong-patong na pala yung gawain namin as a college student? Siyempre hindi na.

On the other hand, the last day of the event will be the sports fest---and this is what I'm looking forward to. Hindi nalang kasi mga athletes ang maaaring makipag-compete, at wala na ring silbi ang pagkakaiba-iba ng mga strands ng bawat estudyante, we are all equal this time. Pero mahahati pa rin ito sa apat na grupo, at dito na papasok ang pinaka-ayokong part sa lahat. Hindi kasi kami pwedeng pumili ng magiging kagrupo namin sa paparating na sports fest. Nakasalalay lang talaga sa mahiwagang bulletin board kung sino-sino ang mga magiging kagrupo ng bawat isa.

Well, naiintindihan ko naman kung anong pinagmumulan ng pakulo nilang ito. Kasi sa pamamagitan nito ay magkakaroon kami ng chance na makilala ang iba pa naming mga ka-school mate.

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit simula ng tumungtong ako sa University na 'to ay hindi ko pa nagiging ka grupo si bebe ko sa putanginang sports fest na 'to.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now