[25] Intramurals (Part V): Opening Ceremony Volume 2

18 4 0
                                    

ZYARA'S POV.

"Dj. Drop the beat."

Lahat ay naghintay sa susunod na kantang ipeperform ng apat. And when this familiar minus one song suddenly echoed the whole stage the crowd goes wild...

AGAIN.

But this time i think it was wilder than earlier, at mas lumala lang ang lahat nang bigla na lang nag-change outfit yung apat.

Kung kanina ay pang-rockstar vibe yung suot nila, ngayon naman ay para ba silang manghaharana ng babae which is akma naman sa song na kakantahin nila, which is Tulad Mo.

Honestly kanina ko pa talaga gustong umalis mula dito sa pwesto ko. Bukod kasi sa hindi naman ako mahilig sa mga ganitong events ay iritang-irita na rin kasi ako sa mga hiyawan ng mga babae sa likuran ko.

But unfortunately, hindi ko naman magawang umalis ng pwesto ko, dahil kung gawin ko man ay baka hindi pa ako nakakalabas sa kumpulan ng mga estudyanteng ito ay namatay na ako sa suffocation o di naman kaya ay bali-bali na ang buto ko dahil sa pagiging hyper nila.

Buti nalang talaga at nagsimula na kaagad yung kanta, so at least i have my reason to keep on watching this opening ceremony kahit na ayoko naman talaga sana.

♪♪♪ Ano ang iyong
pangalan? Nais kong
malaman. At kung
may nobyo ka na ba?
Sana nama'y wala. ♪♪♪

Ron started the song with the bang, literally. Paano naman kasi halos matumba na yung mga railings na inilagay sa harapan ng stage dahil sa mga hampasan, tulakan at kaguluhan ng mga babae sa likod namin nila Sheia.

'Kyyyyyaaaaaahhhhhh!!'

'Ana ang pangalan ko Ron! Ana---kan mo ko! Kyyyaaaaahhhhhh!!!'

'Gizelle! Wala akong boyprend!!!'

'Ron aken ka nalang!!!'

'Ikaw nalang boyprend ko Ron!!!'

'Potangena napakagwapo mo!!!'

Ilan lang yan sa mga narinig kong sigawan sa likuran ko. I tried to stop them by giving them my deadly glare but unfortunately it didn't help.

♪♪♪ Hindi mo 'ko masisisi. Sumusulyap palagi sa
'yong mga mata o kay
ganda o binibini. ♪♪♪

Well they have their reasons kung bakit sila nagsisigawan, because first of all, Ron have the looks indeed. At kung gaano siya kagwapo physically ganun rin naman yung boses niya.

Among the four of them, he has the most beautiful voice. Kaya nga siya yung lead vocalist nila eh, at kaya rin siya pinagkakaguluhan ng mga babae as of the moment.

♪♪♪ Oh! Ang isang
katulad mo. Ay
'di na dapat pang
pakawalan. ♪♪♪

'Kiieeerrrrr Oppaaa!!!'

'Apaka-cute mo Kier!!!'

'Bes! Yung baby kooo!!!'

'Akin ka lang Kiiieerrr!'

Meanwhile, Kier has the sweetest voice among the four of them. Kumbaga kung ano yung physical characteristics niya ganun din yung boses niya. Hindi naman ganun kaliit  ang kanyang boses, sumasakto lang sa maaaring boses ng isang lalaking tulad niya.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now