[18] Forgive me

18 5 0
                                    

KIER'S POV

Instead of hospital, Ron decided to take Athena's home, mas makabubuti raw kasi na sa bahay nalang dalhin si Tin instead of exposing her in hospital where different viruses and illnesses exists.

Wala pang sampung minuto ay agad rin namang dumating si Ate Sandra kasama ang doctor na nag-aalaga kay Tin mula nung maliit pa lang.

Of course as a single parent, and as a parent in general, kita sa mukha ni Ate Sandra ang lubos na pag-aalala para sa anak niya, though hindi siya umiiyak but still i can feel her pain while watching her daughter lying in bed.

Kung dati ay lubos ang takot na nararamdaman ko sa tuwing masilayan ko lang siya, pero ngayon all i can feel is sympathy towards her. Mas gugustuhin ko pa yatang makita yung kilay niyang laging nakataas at yung mga mata niyang nanlilisik kaysa naman ganito.

Meanwhile, kanina pa rin walang imik ang mga kaibigan ko, so as me. All of us are in shock as of now nang dahil sa nangyari kanina.

Sa gitna kasi ng paglalaro namin sa iba't-ibang game booths kanina ay bigla na lang nawalan ng malay si Tin. Hindi ko alam kung bakit, pero kung tama ang hula ko, ay baka dahil ito sa sakit niyang matagal niya ng iniinda.

Kaya naman ganun nalang ang pag-aalala ni Ron sa pamangkin niya, though gaya ng pinsan niya, hindi siya nagpapakita ng takot o kahinaan, and he's just showing his strong side on us, but as his friend, i know him so much, to the point that i know him more than myself.

Alam kong sa kabila ng seryoso niyang mga mukha ay anytime maaari na rin siyang bumigay. Kaming dalawa lang rin kasi ang lalaki ngayon sa bahay, kaya naiintindihan ko siya, na kailangan niyang maging malakas kahit sa panlabas lang para sa pinsan niya, para sa dalawa naming kaibigan at para kay Athena.

Men are need to be strong physically, mentally, and emotionally, but men can also cry. We are still humans after all, we can still feel the pain. However, at times like this, we need to be strong, weaknesses can wait.

Nakalubog na ang araw sa labas, but we are still waiting here in the living room. Waiting for a hopefully good updates about Athena. Si Ate Sandra at ang doctor lang ang naiwan doon sa kwarto upang bantayan siya.

Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming imik na magkakaibigan. Mula kanina ay wala pa ring bumabasag ng nakabibinging katahimikan maliban sa mahihinang paghikbi ni pagong.

But once in a while, nahuhuli kong nakatitig si Zya kay Ron. And all i can see in her eyes were guilt. At first I'm wondering why, not until i remember what happened this morning.

Actually, ako nga dapat 'tong nagi-guilty ngayon eh, kasi kahit na alam kong bawal i-expose masyado si Athena sa labas ay isa pa ako sa nagpumilit na sumama siya sa amin.

Pagkapanganak palang kasi kay athena ay nakitaan na agad ito ng butas sa kanyang baga, dahilan para maging maselan ang kanyang katawan sa mga bagay-bagay. And also, because of that, her life became complicated and her actions should be limited.

Kaya ang gusto ko lang naman sanang mangyari, na sa kabila ng karamdaman niya ay gusto kong ma-experience rin niya ang mga bagay na ginagawa ng mga batang tulad niya. Pero ang sanang magandang intensyon ko para kay Athena ay nauwi lang sa malaking problema.

Pero hindi ito ang oras para magsisihan. We may have different reasons and different sides about  what just happened, but the best thing we can do for now is to pray, that Athena will be in a good condition as soon as possible.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang marinig namin ang mabilis na yapak ng paa na galing sa itaas. Hanggang sa nakita namin si Ate Sandra na pababa mula sa hagdan.

She remain her composure as she walked down the stairs, yet his face says otherwise.

"Ate. Okay na b---" hindi na naituloy pa ng best friend ko ang gusto niyang sabihin nang biglang...

*Pak*

Bigla kaming napatayo na magkakaibigan nang bigla nalang sampalin ni Ate Sandra ang pinsan niya. Agad rin naman akong lumapit kay Ron, pero bago ko pa man din siya malapitan ay pinigilan niya ako. I have no choice but to follow him, I keep the short distance between me and him and as of Ate Sandra.

"Look what have you done." Mahina ngunit bakas ang galit sa boses ni Ate Sandra. Pansin ko rin ang namumulang mga mata nito na matalim na nakatitig sa best friend ko.

"Alam mo namang hindi pwedeng maexpose sa labas ang anak ko, pero anong ginawa mo!"

"I'm s-sorry ate."

"Do you think magagawang isalba ng sorry mo ang buhay ng anak ko Ron?" Nagsimula ng manginig ng tuluyan ang boses ni Ate Sandra, maging ang pagtulo ng mga luha nito, but she remained her composure yet mad face despite of her emotions right now.

Gusto kong magsalita para sabihing walang kasalanan si Ron, pero hindi ko man lang magawang maibuka yung bibig ko, gusto kong lumapit sa kanya para sana akuin ang mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya pero hindi ko man lang magawang gumalaw. I felt so helpless right now. Ako yung bestfriend eh, pero ako pa 'tong walang ginagawa ngayon.

Nagulat naman ako nang makita kong nasa tabi ko na rin pala si Zya at si Sheia na patuloy nanaman sa paghikbi. And by just looking at their hopeless eyes, I know that we have the same thing that runs in our mind, but instead of doing it we remain speechless, and all we can do right now is to watch our friend that getting all the hate from his cousin, because of the things that he actually doesn't do.

"Alam mo namang si Athena nalang ang meron ako..." This time hindi na napanatili pa ni Ate Sandra ang kanina pang matapang niyang mukha. It seems like she's starting to fall into pieces, and seeing her like this makes me emotional too. "I can't lose her Ron. She's the only one that i have... I can't lose my daughter."

Napuno ng paghikbi ang apat na sulok ng sala na ito. Lahat kami ay hindi na napigilang maging emosyonal nang dahil kay Ate Sandra.

Seeing her like this shows how much she loves her one and only daughter. And i admire her by that.

Agad rin namang umalis si Ate Sandra sa harapan namin nang lumapit na ang doctor para makausap siya.

Me and my friends remained in our position for a little while, nanatiling nakayuko at walang binabanggit na salita, hanggang sa biglang naglakad ng dahan-dahan si Zya palapit kay Ron.

"Ron..." At first she hesitated to touch his shoulder, but she still does it. "I'm sorry..."

Nag-hintay kaming tatlo sa magiging response ng best friend ko, but he chose to leave us instead.

Alam ko kung ano ang nararamdaman niya sa ngayon, kaya imbes na sundan siya ay hinayaan ko muna siya. He needs space, and i will give that to him.

* * * * *

It's already 7:45 PM. Mahigit isang oras na ang lumipas matapos ang nangyari kanina between Ron and his cousin. At mahigit isang oras na rin naming hindi nakikita si Ron.

Actually, 5 minutes ago ay muli naming nakausap si Ate Sandra, but this time it was the opposite of what happened earlier. Naka-usap niya na raw kasi ang anak niya tungkol sa nangyari, at ipinaliwanag nito ang totoong dahilan. She apologized to us, about what happened a while ago. Tinanggap rin naman namin ito agad, at humingi rin ng pasensya tungkol sa nagawa naming mali.

Tungkol naman sa best friend ko, ayon kay Ate Sandra ay nag-kausap na rin daw sila. Sa ngayon ay binabantayan niya ang natutulog niyang pamangkin sa kwarto, at ang dapat nalang naming gawing tatlo ay hintayin siyang bumaba.

In short, maayos na ang lahat. Ang isang bagay nalang talagang bumabagabag sa aming lahat ay ang kalagayan ni Tin.

I hope she will be okay sooner than later.

To be continued...

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now