Chapter 7

18 2 0
                                    

Nagising ako nang mag-alarm ang phone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako nang mag-alarm ang phone ko. I set it at five in the morning para maaga rin akong makapag-ayos. I stayed on the bed for a few minutes checking the notifications on my phone and then I noticed that the curtains covering the balcony is slightly blowing it in.

Dahan-dahan akong bumangon at naglakad patungo ro'n. I passed by Cholo and Limer's bed and seemingly one of them is missing and that's Cholo. Hinawi ko nang bahagya ang kurtina saka ko nakita si Cholo na nakaupo sa sahig habang nakasandal sa dingding.

Malamig at sariwa ang ihip ng hangin—amoy ang dagat dahil ilang metro lang din naman ang layo nito mula sa amin.

"Psst," pagtawa ko sa atensyon ni Cholo. "Psst," pag-uulit ko pa at sa pangalawang pagkakataon ay nakuha ko ang atensyon niya. Napalingon siya sa akin at nagulat pa ito.

"Gising ka na pala," aniya at aakmang tatayo ito.

"Diyan ka lang," sabi ko at pagpigil ko sa kanya. "Ikaw nga... ba't ang aga mo riyan?"

Sinamahan ko na siya nang tuluyan sa balcony. "Hindi ako masyadong nakatulog, e. Maaga na rin akong bumangon. Nakaligo na rin naman ako."

"Wow, ha. Ang aga nga," komento ko.

"Ikaw rin naman ang aga mo," aniya. "Seven pa naman natin kikitain iyong magdadala sa atin sa yate. Bumalik ka na ulit sa pagtulog mo. Masyado pang maaga."

Tinaasan ko siya ng kilay. "E, bakit ka nga kasi nagising din ng maaga?"

Napakibit balikat na lamang siya. Tumabi naman ako sa pagkakaupo sa lapag. Nilingon niya ako at ngitian ko siya.

"It has been 10 years na, 'no?" aniko saka medyo lumaki ang mata niya sa sinabi ko. "Nabanggit ni Limer iyon last night. At dapat hindi ko rin iyon nakalimutan dahil iyon rin ang araw na nagkakilala tayong dalawa. Those times na hindi naman natin inaasahan ay magdadala sa atin ngayon dito sa France. But... I know you miss her and I understand that. You just cannot forget someone you've loved the most."

I saw a smile grow on his face and I know that's a genuine one.

"Her love is irreplaceable talaga. 'no?"

Humugot siya nang malalim na hininga saka siya tumango sa akin.

"In your head, she will remain alive. She wouldn't die. She would be there with you all at times."

"I know your story for the past few years, and to tell you honestly, you're the most amazing person I've ever met."

"Nasasabi mo lang ba 'yan dahil pareho tayong may pinagdaanan sa love life? All of them failed and left us broken."

"Well... hindi ka rin naman nagkakamali ro'n. After our past relationship and thought we've met the perfect one for us, then at the end... hindi pa rin pala sila. Who knows baka maging single na lang tayo forever."

"Baka nga." Natawa pa niyang usal.

"Sige na... maiwan na muna kita. I'll just take a shower tapos later kakain tayo ng breakfast or diretsyo alis na?"

Sailing through our Whirlwind RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon