1st Encounter

1.9K 36 4
                                    

Kane ran as fast as he could. Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paligid pero wala na siyang oras para isipin pa iyon. He was running for his life.


"Ay! Jusmiyo!" Sigaw ng matandang tindera ng gulay nang mabangga niya ang mga paninda nito at nahulog sa sahig.


"Pasensiya na ho!" Sigaw niya habang tumatakbo.



Pumasok siya sa isang abandonadong gusali upang magtago pero nakasunod pa din sa kaniya ang mga kaklase niya na kanina pa siya hinahabol para gumanti sa ginawa niya.




He was running his way up to the rooftop while trying to call his friends for back up. Iisa lamang siya at pitong kaklase ang humahabol sa kaniya.


"Fucker!" Inis na mura niya nang walang sumasagot sa tawag niya ni isa sa mga kaibigan niya. "Pesteng midterms!" Aniya. Midterm week na kaya sigurado siya na busy magsunog ng kilay ang mga kaibigan niya.



Nang makarating siya sa rooftop ay kaagad niya itong inilock para hindi makapasok ang mga humahabol sa kaniya.



Habol ang hininga niya nang mapahiga siya sa maalikabok na sahig nito. Nakatingin lamang siya sa kalangitan habang mapait na napapangiti.



"What the fuck is wrong with the people around me?" Tanong niya. Katulad ng nakagawian ay palagi niyang kinakausap ang Diyos hindi para magpasalamat kung hindi para sisihin ito sa mga nangyayari sa buhay niya.



Lumaki siya na walang ama dahil naghiwalay ang mga magulang niya noong bata pa siya. Sumama siya sa kaniyang ina dahil nananakit ang ama niya. Isa pa ay apat na taong gulang lamang siya noon at ang ina niya ang may karapatan sa kaniya na lubos niyang pinagpapasalamat.




His mother raised him on her own. Walang tulong ni kaunti mula sa ama niya na nag-asawa kaagad. Nalaman na lamang niya mula sa ina niya na may kapatid na siya sa labas. It turns out that his father had already had an affair kahit na magkasama pa ang mga magulang niya at nagbunga iyon. Sa pagkakaalam niya ay isang taon lamang ang agwat nila ng younger brother niya na nasa Italy kasama ng ama niya.



He met him once. He's nice but he hates him. He has what he doesn't have... a complete family. A parents that loves each other. Bullcrap!




Sila na ang naagrabyado pero parang kasalanan pa nila sa mata ng mga tao. This society is fucked up. Simula pagkabata ay palagi siyang tinutukso na walang ama ng mga kaklase niya. Natakot na siyang pumasok sa paaralan noon dahil puro kumpletong pamilya ang nakikita niya at siya palagi ang tampulan ng mga tukso.





Kasalanan ba niya? Ginusto ba niya na isang gago ang naging ama niya? Wala siyang kasalanan pero palaging siya ang nagdurusa sa ginawa ng ama niya na dahilan kaya kinailangan nilang lumayo ng ina niya.


But why the fuck do these motherfuckers keep on teasing him about not having a complete family? Hindi niya naman ginusto na magkaganito sila.


These fuckers have a complete family, but they don't have good manners and right conduct. That makes them losers in his eyes.


Rinig niya ang kalampag mula sa labas. Alam niyang sinusubukan ng mga ito na buksan ang pintuan. Napabuntong hininga na lamang siya saka naupo at sinagot ang tawag sa cellphone niya.


"Fucker!" Bungad niya dito.


"Fuck you. Where are you?" Tanong ni Zen sa kaniya.



Natawa naman siya dito. "Nasa rooftop." Sagot niya.


"Saang rooftop?"



"I don't know. They'll be able to enter in a few minutes. I guess my mother will scold me again once she sees another bruise on my face." Sagot niya na natatawa.



Heavenly Encounter [R-18 COMPLETED]Where stories live. Discover now