5th Encounter

780 25 7
                                    

Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Heaven nang lumapat ang likod niya sa higaan. Sobrang dami niyang nilabhan kaya sobrang sakit din ng likod at balakang niya.



Hindi niya alam kung may galit ba sa kaniya ang amo niya o ano dahil ultimo damit ng mga tauhan nito sa opisina eh inuwi nito para palabhan sa kaniya. He was so mean! Gusto niya itong sigawan at sumbatan pero mas pinili na lamang niyang manahimik lalo na at ilang beses niya na dineny na kilala niya ito.



Isang buwan na din mula ng maging kasambahay siya nito. Ipinaliwanag naman sa kaniya ng dating amo niya na si Aika na mas kampante ito na may kasama sa bahay si Kane at lalo na kung siya iyon kaya ano pa bang choice ang meron siya? Wala. She can never say no to her. She's been nothing but nice to her ever since she came to their house.




Mula nang maging tao siya ay isa ito sa mga masasabi niyang mabuting tao na nakilala niya.


Muli ay gumuhit ang sakit sa dibdib niya nang maalala kung paano nagsimula ang lahat. She was punished for meddling with someone's life and death. Kahit ilang beses niyang sisihin ang sarili ay wala naman mangyayari. Nagawa na niya ang suwayin ang utos sa kaniya.





Hindi niya maintindihan kung bakit ginawa niya iyon noong mga panahon na nangyari ang trahedyang iyon. Was it because of the look in his eyes? She saw how much in pain he was.




Kasama siya nito mula pagkabata at alam niya ang mga sikreto nito.How could she let her die like that? The world had been cruel to him and he needed a second chance to be happy.



Mukha naman masaya na ito... lalo na kapag pinapahirapan siya.



Napaigik na naman siya nang maramdaman na kumirot ang balakang niya. Nadulas kasi siya kanina habang naglalaba. Pain... eleven years na niyang nararamdaman iyon magmula nang maging tao siya.





Hindi niya namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. She was a fallen angel, and that stung. She can no longer see her friends because she's a mere human now, someone capable of getting hurt and someone who can die.





Nakarinig siya ng marahas na pagkatok sa pintuan ng kwartong tinutuluyan niya. Kaagad niyang pinunasan ang mga luha sa mata at saka dali-daling tumayo kahit na masakit ang katawan niya at binuksan ang pintuan ng silid.





Bumungad sa kaniya ang iritableng mukha ng amo niya. Nakasuot pa ito ng pang-opisina at halatang mainit ang ulo nito. Siguro ay may nakaaway na naman itong investor. Isang beses kasi ay narinig niya ito na nakikipagtalo din sa telepono. 



"Bakit po, sir?" Magalang na tanong niya dito.



"I'm hungry. Ipaghain mo ako." Utos nito saka siya tinapunan ng malamig na tingin.




She closed the door behind her. Nauna na siyang maglakad patungo sa kusina para ipaghain ito ng makakain. Ramdam pa din niya ang masakit na balakang kapag kumikilos siya ngunit pinagsawalang bahala niya iyon at ipinaghanda na lamang ng pagkain ang kaniyang amo.




Nang maipaghain ito ay akmang aalis na siya para bumalik sa kwarto nang tawagin siya nito.



"Heaven." Malamig na pagbigkas nito sa pangalan niya.



"Po?" Tanong niya.




"Bakit ganyan ka maglakad?" Tanong nito nang hindi man lamang siya tinatapunan ng tingin.



"Wala po. Masakit lang po likod ko sa paglalaba." Sagot niya. Totoo naman na masakit ang likod niya pero hindi na niya kailangan sabihin na naaksidente din siya at pakiramdam niya ay nabalian siya kaya buong katawan niya ang sumasakit.





Heavenly Encounter [R-18 COMPLETED]Where stories live. Discover now