3rd Encounter

917 20 1
                                    

Kane gets more and more curious about the woman in his dream. Mas napapadalas niya itong napapanaghinipan. Hindi niya alam kung normal pa ba ito lalo na at ang babae sa panaghinip niya ay may pakpak.

He had already done some research on succubuses and incubuses pero napakalayo ng description non sa panaghinip niya. The woman in his dream looked nice and innocent, and, of course, she was pretty.



"Okay ka lang? Bakit tulala ka?" Tanong ni Aika sa kaniya. Buti na lang talaga at wala ang professor nila kaya chill lamang siya kahit hindi sila pwede umalis ng classroom.




"I'm okay, babe." Sagot niya dito saka ngumiti.


Aika rolled her eyes. "I told you not to call me "babe", hindi ba? Palagi mo na lang inaasar si Zie, ah." Anito saka sumimangot.



Natawa naman siya."Hayaan mo siyang mabwisit. Palagi din naman niya akong bwinibwisit." Sagot niya dito habang natatawa.




"Alam mo mag-aral ka na lang. Heto oh..." Binigay sa kaniya nito ang libro nito sa Taxation Law. "Magbasa ka. Hindi ko alam paano ka makakapasa dito gayong pumapasok ka na sarili mo lang ang dala mo. May pambili ka naman ng bag, diba?" Tanong nito na mas ikinatawa pa niya.





"Salamat sa pagiging concern, babe. I'm good... sasakit lang ang ulo ko kapag binasa ko 'yan." Sagot niya dito saka ibinalik ang libro nito.






MATAPOS ang klase ay sabay-sabay silang nagtungo sa parking lot na magkakaibigan. Humiwalay lamang si Zen at Aika dahil kailangan ng umuwi ni Aika at madami pa daw itong tatapusin sa ibang subjects nito.



Naiwan sila ni Terron na magkasama at dahil wala naman silang pasok bukas ay inaya na naman niya si Terron na mag-bar. He was really persistent at hindi niya ito tinigilan hanggang sa mapapayag niya din ito.




6:30 PM nang makarating sila sa bar sa BGC. Nasa labas pa lamang ay tuwang-tuwa na siya sa dami ng sexyng babae na nakatambay sa labas.  Good thing na hindi sila nag-uuniform sa school kaya naman hindi talaga sila mukhang estudyante.




Ipinark muna nila ang sasakyan ni Terron na gamit nilang dalawa sakaya bumaba at pumasok sa loob. Matatangkad naman sila at hindi mukhang minor kaya hindi sila hinanapan ng ID sa labas.




Nakakabinging musika ang bumungad sa kanila. He smiled when he saw a bunch of people in the middle of the dance floor. Halos wala ng space ang katawan ng mga ito.




"Damn! There are a lot of pretty and sexy girls here. " He said. He was so ecstatic with the fact that there were a lot of fish that he could catch here.




Dumiretso sila sa bar counter at umorder ng maiinom. Kampante naman siya na walang malalasing sa kanilang dalawa ni Terron dahil parehas naman silang nakatikim na ng alak lalo na kapag may mga family gatherings ang pamilya nito at nakikisali siya.




"This place is too crowded. Zen wouldn't like this place for sure." Said Terron.



"Hindi talaga yon pupunta dito kahit hindi ito crowded ng hindi kasama si Aika. Alam mo naman 'yon hindi mapag-hiwalay." Sagot niya saka ininom ang martini niya.



"Hi handsome."

Halos magtayuan lahat ng balahibo niya nang may biglang bumulong sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang init ng hininga nito at amoy na amoy niya ang pabango nito.



He turned to look at the woman standing behind him. Halos matulala siya sa ganda nito at sa sobrang revealing ng suot nito. Napalunok na lamang siya nang dumapo ang mga mata niya sa malulusog na dibdib nito.



Heavenly Encounter [R-18 COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن