6th Encounter

756 21 8
                                    

Simula nang malaman ni Kane ang katotohanan ay nagbago ang trato nito sa kaniya. Naging mabait na ito at hindi na palaging iritable. Hindi na din siya pinaglalaba nito ng mga damit nito at hindi na ito nag-uuwi ng damit ng mga empleyado nito.



Tuwing sabado ay may pumupunta sa bahay nito upang maglaba kaya may nakakausap siyang ibang tao. Ang ginagawa na lamang niya ay ipagluto ito at maglinis ng bahay.



Madalas nga ay inaaya pa siya nito na lumabas tuwing linggo para naman daw malibang siya. Dinadalaw din nila ang dating amo niya kaya masaya siya na nakikitang okay na ito at ang pamilya nito.





She can still remember what happened more than a year ago. Sobrang laking trahedya na hinarap ng pamilya nito.





"You can't see them, right?" Pabulong na tanong nito sa kaniya habang nakaupo sila sa sofa at kalong niya si Zion.




Heaven shook her head. "Hindi na. Hindi ko na nakikita ang mga kaibigan ko."



Kane chuckled. "Zen would be really mad once he found out that some other guy was watching over his wife." Natatawang saad nito.





Napailing na lamang siya. Naikwento niya kasi dito na may guardian angel din ang mga kaibigan niya at lalaki ang bantay ni Aika. She can still remember what Kane told her when he learned about it.





"It doesn't matter if it's an angel or a devil or a fairy... if it's a guy looking over Aika in everything she does, Zen would go ballistic. He is a jealous man, and I am sure you know that."




Nilaro na lamang niya si Zion habang busy ang mommy nito sa pagtulong sa pagluluto para sa hapunan nila. Si Kane naman ay kausap si Zen tungkol sa plano nito na business at inaalok ito na maging business partner.





"Heaven... binibwisit ka ba nitong amo mo?" Biglang tanong ni Zen sa kaniya.



Kaagad naman siyang umiling at ngumiti. "Hindi na po, Sir Zen. Mabait na po siya sa akin. Hindi na po niya ako pinapahirapan ng sobra." Sagot niya dito.



"Pinahirapan ka nito?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Zen.



"Hmm. Opo noong una palagi niyang pinapalabhan sa akin mga damit ng tauhan niya tapos ang sungit niya din po noon at palaging galit pero hindi na po ngayon—"




"Pack your stuff and come back here. I am rehiring you as Zion's nanny. " Zen said, cutting her off.



"What?! No!" Kane protested. "Why did you tell him that?"  Tanong nito sa kaniya.




Naguguluhan man ay sinagot niya ito. "Po? Eh nagtanong po kasi siya. Ayoko naman po magsinungaling, sir Kane." Pagpapaliwanag niya.





"Darn! No, you cannot rehire her because I am not firing her, so it's not for you to decide where she will work! "Singhal nito kay Zen.




Zen plainly looked at Kane before returning his gaze to her. " Don't you miss Zion? He's growing and he needs a nanny because I am busy with work and I cannot help my Aika to take care of him. "



Napatingin naman siya kay Zion na nakangiti sa kaniya. "Namimiss ko na din po si Zion alagaan." Sagot niya.




"Heaven!" Kane shouted na ikinagulat nila. "Kingina mo talaga Zen! Aampunin ko na lang si Zion manahimik ka lang!"



"What?! Hindi ko pinapaampon ang anak ko!" Sigaw nito pabalik kay Kane.





Heaven covered Zion's ear dahil nagtatalo na ang ama nito at amo niya. Parang kaunti na lamang ay magsasapakan na ito kaya laking pasasalamat niya nang sawayin ito ni Aika. For some reason ay nakinig kaagad ang dalawang ito at nanahimik matapos mag-shake hands dahil iyon ang utos ni Aika.






Heavenly Encounter [R-18 COMPLETED]Where stories live. Discover now