4th Encounter

825 22 3
                                    

Tinapik ni Terron ang likod niya nang maabutan siya nito na nakaupo sa island counter stool habang umiinom ng alak.

"You okay?" Tanong nito.

He drank his rum first before answering him. "She cheated on me." Sagot niya.



Terron sighed. "Sorry to hear that. Lesson learned na lang pre. Huwag na papatol sa babaeng nakikilala sa bar." Anito.

Sunod na pumasok sa kusina si Aika at Zen na magkahawak ang kamay.


"Stop drinking. May babae tayong kasama dito." Saway sa kaniya ni Terron.

Napabuntong hininga na lamang siya saka itinigil ang pag-inom.



Aika walked towards him and caressed his shoulder. "Okay lang 'yan. It only means that she's not worth it. Pasalamat na lang tayo kasi hindi ka na magsasayang ng oras sa kaniya. You deserve better, Kane.". Anito.



He smiled at Aika and thanked her. Akmang yayakapin siya nito nang pumagitna sa kanila si Zen at ito ang yumakap sa kaniya.



"Tabi na baby, ako na." Saad nito nang lingunin si Aika habang yakap siya.



Terron and Aika laughed. Siya naman ay niyakap pabalik si Zen na parang diring-diri nang umakto siyang babae.  Kahit tuloy naiinis siya eh nagagawa niya pang tumawa.


He was so thankful that he had good friends. They're not just his friends, they're family.


Inabot sila ng ala una na ng madaling araw nang matapos silang mag-review saka sila nag-decide na matulog na.




"Goodnight kids!" said Aika, before looking at Zen and giving him a kiss on the cheek. "Goodnight, Mi Amore."



Terron and Kane acted like they wanted to vomit. Natatawa naman si Aika habang si Zen ay nakataas ang gitnang daliri sa kanila.



"Double lock the door!" Sabay-sabay na bilin nilang tatlo sa dalaga bago ito tuluyang makalabas ng kwarto niya.


Aika went to the other room katulad ng nakasanayan kaya naman si Zen at Terron ang kasama niya sa kwarto.



"Okay ka lang ba?" Tanong ni Zen nang nakahiga na sila. Sa extra bed niya ito nahiga habang si Terron naman ang katabi niya.




"Hmm. I'm a bit pissed, but I'm not hurt. Bago pa lang naman kami. Maigi nga at natapos na kaagad." Sagot niya dito.



"Tama. Mas okay na 'yan. Tama si Aika.. you deserve better." Terron said.



"Let's sleep. Maaga pa ang pasok natin mamaya." Saad ni Zen.




Dahil sa pagod sa pag-aaral ay kaagad silang mga nakatulog.





He found himself falling from the rooftop. He was scared, but not for his life. He was afraid to leave his mother alone.



He opened his eyes when he felt that everything had stopped. He was stunned to see the same woman with an angelic face.




"Nasa langit na ba ako?" He asked.



Nang ngumiti ito ay ramdam niya ang lakas ng kabog ng dibdib niya. "Wala pa. Buhay ka pa naman." Nakangiting sagot nito.


It was like his hand had a mind of its own dahil bigla niyang hinawakan ang mukha ng babae.. "You're beautiful." Aniya.




Heavenly Encounter [R-18 COMPLETED]Where stories live. Discover now