CHAPTER IX

26 11 0
                                    

.Natapos ang klase namin kay Miss Suzzy na sumasakit ang ulo sa hirap ng mga riddles na ibinigay niya pero syempre kaming mga babae kahit masakit ang ulo masasaya parin. Pano ba naman sa susunod na klase namin ay dadalhin ulit kami ni Miss Suzzy sa Technology building para turuan mami kung paano namin magagamit ang matututunan namin sa kanya sa pag gamit ng nga weapons.

"Grabe, sumakit ulo ko sa class ni Miss Suzzy" ani Tiffany

"Paano sasakit ang ulo mo wala ka namang ambag. HAHAHAHAHHA" pang aasra ni Inigo

"Alam mo red hair, hindi porket wala akong ambag hindi na sumasakit ulo ko tsk! ikaw kaya mag isip kahit wala kang maisip"

"Look! HAHAHAHAHA aminado na walang ambag sa grupo"

Patuloy parin sa pagbabangayan si Tiffany at Inigo hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Nakakalunod ang dami ng mga estudyante na nandito. May iba't ibang grupo sa bawat sulok ng kwartong ito. Ang mga may kulay dilaw na mata tulad ni Tiffany ay nasa bandang kanan, ang may asul na mata naman tulad ni Brent at Mav... ay nasa bandang kaliwa, at yung iba halos naghalo halo na sila.

Kailangan ba talaga na naka grupo ang bawat estudyante dito sa academy? Pagpasok namin ay biglang tumahimik ang lahat ng nasa cafeteria ang iba ay umiwas sa amin ang iba naman ay may mga masasamang tingin. Si Niro ang nauna sa pwesto na siya namang nakalaan na talaga para sa amin dahil sa may nakalagay roon na "For Special Section" nakakahiya tuloy at nakaka ilang ang mga bulong bulungan nila at tingin. 

"Sigurado ba kayo na gusto niyo dito tayo kumain? I mean, look at them masyadong nakakailang yung mga tingin nila"

"Huwag niyo na lang sila pansinin" ani Lhianne. "Hindi naman nila tayo magagalaw sa safe place" dagdag pa nito

"Anong safe place?"

"Hindi niyo ba binabasa amg mga ibinibigay sa inyo noong unang pasok niyo rito sa academy?"

"B-binasa ko pero... hindi ko naman nabasa ang tungkol sa safe place na tinutukoy mo"

"Nasa huling page iyon nakalagay siguro hindi mo na binasa" sabay iwas ng tingin nito

"Pero... " magsasakita pa sana ako na binasa ko ang lahat ng binigay sakin pero hindi ko iyon nabasa tanging puro schedule lang. Ang naaalala ko lang may nabanggit sa akin si Brent tungkol sa safe place

"Ano-ano ba ang safe place, Lhianne" seryosong tanong ni Niro

"Faculties, Classroom, Cafeteria at Dorm"

"What?! ayan lang yung safe place?"

"Yes, at kung naniniwala na kayo sa sinabi ko sa inyo na ang pag patay lang sa miyembro ng bawat klase ang paraan para makapasok dito sa section natin... ano ang gagawin niyo?" saad nito na seryoso at may masamang titig kay Tiffany

"K-kung ganoon... kapag lumabas tayo sa cafeteria at dumaan sa hallway maaaring may biglang umatake sa atin?" si Hailey

"Posible"

Sa pag sagot ni Lhianne ng ganon ay wala nang umimik at umorder na ang mga lalaki ng kakainin namin. Lumipas ang ilang minuto na itinagal namin sa cafeteria pero parang halos lahat kami ay nagdadalawang isip na lumabas dahil sa nalaman namin na iilan lang pala ang safe place. Posibleng may mangyaring masama sa amin kapag lumabas kami ng pinto na yan sa oras na ito.

"Hindi tayo pwedeng manatili dito ng matagal" si Niro

"N-natatakot ako" ani Hailey

"Hindi nila tayo magagalaw ng basta basta dahil nasa special section tayo at nasisigurado akong labag sa batas ng eskwelahan na ito ang pumatay ng may nakaka kita"

Arcanum Academy (On-Going)Where stories live. Discover now