CHAPTER X

24 13 0
                                    


"Mahulog ka lang, handa akong saluhin ka at hindi kita hahayaang masaktan pa ng iba"

Paulit ulit na gumugulo sa isip ko ang sinabi niya na iyon. Bakit ba ginagawa mo sa akin to? Minsan galit na galit ka sa akin, minsan naman ay halos itaya mo na ang buhay mo para tulungan ako.

Pero paano mo nga ba nakilala ang lalaking iyon? Atsaka anong teritoryo mo ang academy na to? Sino ka bang talaga Zandrex...

••••

Ilang buwan na ang lumipas simula nung nangyari ang gabing yon pero sariwa parin sa alaala ko ang lahat. Tatlong araw akong namalagi sa clinic habang si Lhianne ay halos dalawang linggo. Walang nakaalam ng insidente na iyon maliban samin ng mga kaibigan ko, yes kaibigan ang turing ko sa kanila. Nang gumaling si Lhianne gusto ko sana siya kausapin o tanungin kung bakit kasama niya ang lalaking iyon sa library at bakit bigla na lang siya nitong sinaksak pero hindi ko ginawa. Hindi ko rin mapigil ang sarili ko na isiping tina traydor niya kami dahil lang sa nakita ko.

Sa ilang buwan na lumipas unti unting na enhance ang mga kakayahan namin lalo na ako, akala ko nung una ay iilan lang ang abilidad na nakakaya ko pero habang tumatagal ay parang na aadapt ko ang mga kakayahan ng mga kaibigan ko. Lahat ng abilidad nila ay nagagawa ko, paulit ulit nilang sinsabi kung gaano sila humahanga sa isang Royals na katulad ko.

To be honest nung una akala ko niloloko at binibiro lang nila ako ngunit habang tumatagal nagiging malinaw na sa akin ang lahat unti unti ko ng naaalala ang lahat hindi man ganoon karami pero kahit papaano may naaalala na ako.

"Ang lalim naman ng iniisip mo" ani Brent

"Naaalala ko lang sila Mom at Dad, ilang buwan na ako rito sa academy pero hindi ko parin sila matawagam man lang"

"Cza... N-nasa mabuting kalagayan s-sila" utal utal na sagot nito. Agad naman akong kinutuban ng masama sa paraan ng pag sagot nito. Posible kayang may nangyaring masama sa kanila?

"May nalalaman kaba tungkol sa kanila Brent?"

"W-wala ah"

"Tssss!

"Pero, anong tingin mo kay Zandrex?" out of nowhere bigla niyang natanong iyon.

Geez! Bakit ba bigla na lang niya yon pinapasok sa usapan? Hindi ko rin alam ang nararamdaman ko para sa kanya. Nalilito ako sa nararamdaman ko, alam kong si Mavien ang mahal ko pero bakit ganito ang pakiramdam ko kapag napag uusapan si Zandrex? Hindi pwede to. Bigla ko na namang naalala ang mga sinabi niya sa akin ng gabing iyon.  "Mahulog ka lang, handa akong saluhin ka at hindi kita hahayaang masaktan pa ng iba"

" Hey! Bakit hindi kana nagsalita, napag usapan lang natin si Zandrex natameme kana rjyan"

"M-may inisip lang, tsaka bakit ba pinapasok mo sa usapana yung tao. Hindi mo ba alam na palaging galit sa akin yon kahit wala akong ginagawa tsss!"

"Oh, eh bakit namumula ka? Kinikilig ka noh?"

"A-anong kinikilig ka riyan!" sigaw ko habang hinahampas ito

"Oh diba, nananakit ka kasi kinikilig ka HAHAHAHAHA" pang aasar nito

"Kapal talaga ng apog mo noh? Lumayo ka nga saken naaalibadbaran ako sayo"

Hindi parin ako tinigilan ni Brent sa pang aasar niya. Itinuro pa si Zandrex mula roon sa loob ng kwarto kung saan ito nagsasanay gamit ang isang hologram. Sobrang galing nito at sobrang bilis ng mga galaw, hindi mo aakalain na may ganito kalakas na estudyante sa Arcanum.

Ilang minuto lang ang lumipas natapos na ang pagsasanay ni Zandrex sa loob ng hologram at sumunod naman dito si Brent. Tulad din ni Zandrex halos parehas lang ang mga galaw nila pero ang lamang lang ay mas mabilis si Zandrex kumilos kaya walang natatamong galos habang si Brent ay malakas at mabilis pero may mababakas na mga galos sa braso.

Arcanum Academy (On-Going)Where stories live. Discover now