CHAPTER IV

80 20 2
                                    

Nang makaalis si Zandrex agad na tinulungan ako ni Brent dahil marami na ang dugo sa damit ko at namumutla na raw ako.

Naglakad kami papunta roon sa puno kung saan pumasok si Zandrex at nagulat ako ng makita ko ang lugar na ito.

"Arcanum Academy...." parang pamilyar sa akin ito

"Hey, are you okay? Kanina pa dumudugo yung sugat mo halika na dadalhin na kita sa clinic" pagpupumilit nito.

"Clinic? Saan ka naman nakakita ng clinic dito sa gitna ng..." natigil ako sa sasabihin ng ilibot ko ang paningin. Maganda ang lugar na ito at kakaiba

"Tara na bubuhatin na kita ipapakuha ko na lang kay Cee ang mga gamit mo at ipapahatid ko sa dorm niyo"

"Hindi na, kaya ko namang mag--"

Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong buhatin na pa bride style at tila natural na sa kanya ang ginagawa. Hindi siya nagreklamo sa bigat ko at dahan dahan naglakad patungo sa kung saan. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Isang napaka ganda at malaking gate ang nadatnan namin na may naka sulat na 'Arcanum Academy: The Home of Royals'

"The Home of Royals?"

"Yes, home of royals" pag sagot nito

"Eh, Anong ginagawa ko dito? Hindi naman ako royals"

"Mali ka ng iniisip" ani nito

"Paano naman ako naging mali eh anlaki ng mga nakasulat na yan at kitang kita ng mga mata ko yung salitang royals. Alam mo naman siguro ibig sabihin ng royals diba? Mga mayayaman" pagtataray ko

"Mali ka ng iniisip ang nakalagay diyan ay hindi tinutukoy kung mayaman ka o hindi" saad nito na may diin sa dulo

Nakakainis talaga tong lalaking toh, akala mo naman kung sinong matalino pinapamukha pa sakin na maling mali ako. Like duh! Kahit matagal akong hindi nakapag aral dahil sa nangyari saken, eh alam ko parin naman ang ibig sabihin ng 'royals'.

"Gusto mo ba malaman kung anong ibig sabihin ng 'royals' ". pagtatanong nito

"No thanks, Alam ko naman hindi ako boba" pagsusungit ko. Arrrrrrghhh! nakakairita talaga tong lalaking toh, ang sarap kutusan

"Okay sabi mo eh" maikling ani nito

At nagpatuloy na kami este siya sa paglalakad. Tumigil kami sa isang gusali na may dalawang palapag, sa tingin ko ito na ang clinic na sinasabi niya

"Put me down"

"Oh, I'm sorry..."

(-_-)

"Duh! Alam mo para kang bata" sarkasmong saad ko "Tigil tigilan mo nga ako" Arghhh!

"Sorry" ani nito

"Whatever"

"He's right" pagbulong nito

"Huh?"

"Never mind, you've change a lot Miss Cza" malumanay ngunit seryoso nitong saad

"Yeah, I've change a lot"

"Don't trust anyone here in Academy" seryosong saad nito

"What?" pagtatanong ko

"I said don't trust anyone here in academy" pag uulit nito

Narinig ko naman talaga ang sinabi niya. Sadyang nagkunwari lang ako na hindi ko narinig dahil gusto kong ulitin niya yung sinabi niya. Malay ko ba kung nabibingi na ako sa tagal ng biyahe namin tapos eto pang bwuset na sugat na toh!

"Why? Pano naman ang magkaka kaibigan dito kung 'dont trust anyone' keneme ka riyan"

"Hindi lahat ng mabait sayo, ay tunay. Yung iba nagpapanggap lang para mapalapit sa target nila"

Arcanum Academy (On-Going)Where stories live. Discover now