CHAPTER XVII

35 7 0
                                    

Pagkatapos bumalik ng mga konting alaala ko mula sa nakaraan nakaramdam ako ng sakit ng ulo na para bang binibiak at pinupukpok ang ulo ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

"Reen! Halika rito tignan mo ang ga ganda ng mga paru paro banda ron" tawag nito sa akin habang tumatakbo papunta sa mga paru parong naroroon.

"Hintayin mo ako Ching!"

"Halika na, iwan mo muna ang mga iyan hindi naman mawawala ang mga iyan"

Tumakbo ako papalapit sa kanya at agad namang nagliparan ang mga paru parong kanina'y nakadapo sa nga bulaklak. Ibinuka ko ang mga palad ko at hinihintay na may dumapong paru paro ro'n hanggang sa may isang paru paro na kulay asul na may halong itim ang unti unting lumalapit sa palad ko ng biglang dumilim at nawala ang kaninang mala paraisong lugar. Pati na rin ang babaeng iyon ay nawala.

Sobrang dilim, para bang naka kulong ako sa lugar kung saan walang kung anong nabubuhay. Hanggang sa makita ko ulit yung batang iyon. Tinatawag niya ako para sumunod sa kanya habang sinusundan ko siya unti unting nagkakaroon ng liwanag ang paligid. Nakaka silaw.

"Tingin mo naalala na niya ang lahat?"

"Hindi ako sigurado kung lahat ba naalala na niya pero sigurado akong alam na niya na siya ang anak ng dating Hari at Reyna"

"Sana'y bumalik na ang mga alaala niya Zandrex. Hindi ko na kaya pa mawalan ng isa pang taong mahalaga sa akin"

Iminulat ko ang mga mata ko dahil sa mga usapang iyon. Gusto ko malaman kung sino iyong babaeng iyon, nakikilala ko ang boses niya at tama nga ako sa hinala ko na kilala ko siya.

"Ching..." tawag ko rito. Agad naman napabaling ang tingin niya sa akin ng tawagin ko siya.

"R-reen...." lumapit ito sa akin sabay yakap. "Naaalala mo na ako Reen, ang akala ko wala kana. Matagal kong hinintay ang panahon na to para mayakap ka ulit" dire diretso nitong sabi habang umiiyak sa balikat ko.

"Paano ko ba naman ang kababata ko na palagi kong kasama tuwing tatakas ako para panuorin ang mga paru paro"

Lalo itong humagulgol sa pag iyak sa sinabi ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng ginhawa sa mga oras na to. Para bang nabuo ulit yung pagkatao ko na minsan ng nawala ng ma aksidente ako.

Habang magka yakap kami ay naka tayo naman sina Zandrex, Niro at Brent sa gilid. Pinagmamasdan kaming dalawa ni Ching. Oo, si Nurse Ching ang kababata ko na iyon. Kaya pala ganon na lamang ang naramdaman ko sa kanya noong dumating ako rito sa Arcanum Academy.

"It's the real welcome back, Czarina" ani Brent.

"Salamat, Brent" iyon lang ang naisagot ko sa kanya habang naka ngiti.

Tinignan ko naman ang dalawang lalaking katabi niya. Sa kanan niya naka puwesto si Niro at sa kaliwa naman si Zandrex. Naka tingin lang sa akin si Zandrex ng seryoso habang si Niro ay lumapit sa akin para kamustahin ang pakiramdam ko ngayon. Umalis naman na si Zandrex.

"Kamusta?"

"Ayos naman, medyo masakit pa ng kaunti yung ulo ko pero okay na ako" sabi ko pa sabay ngiti.

"Mabuti naman... Pinag alala mo kami, akala namin kung napano kana sa kwarto mo buti na lang at nasaktuhan na pinuntahan ka ni Hailey"

"Ganon ba, hindi ko matandaan basta ang alam ko lang may naalala ako ng kaunti sa nakaraan ko..."

Napaawang ang labi nito sa sabi ko na agad din namang naka bawi. Tumango tango ito at ngumiti. Lumapit naman ulit sa akin si Ching para sabihing kailangan ko magpahinga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Arcanum Academy (On-Going)Where stories live. Discover now