CHAPTER III

103 19 1
                                    

Nakauwi na ako galing sa hospital at ngayon naka upo ako sa aking kama at nakaharap sa bintana. Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Mommy na may lungkot na mababakas sa mata. Siguro dahil sa katotohanan na hindi nila ako tunay na anak at dahil sa lilipat na ako ng school ang sabi pa ay hindi raw pinapauwi ang mga estudyante roon dahil may sarili daw doon na dorm ang mga estudyante.

"Reen?" mahinang tawag sa akin ni Mom

"Mom"

"Pasensya"

"Okay lang po Mom, alam ko naman pong inaalala nyo lang po ako kahit na h-hindi niyo ako tunay na anak" may pait kong sagot diito

"Anak, huwag mong isipin yan kahit pa hindi ka namin tunay na anak itinuring kana naming totoong anak dahil matalik na kaibigan din namin ang tunay mong mga magulang" naka ngiting saad nito

"Matalik po kayong magkaibigan ng mga magulang ko Mommy?"

"Oo anak, bago pa man sila mawala sa mundo ipinangako namin ng Daddy mo sa kanila na aalagaan at po protektahan ka namin sa mga gustong manakit sayo"

"Pero bakit Mom? Bakit may mga taong gusto akong saktan? May nagawa po ba ako sa kanilang pagkakamali?"

"Hindi anak... hindi mo maiintindihan kahit pa sabihin namin sa iyo ang kakaunting nalalaman namin sa pagkatao mo sa mundo ninyo" agad na sagot nito. "Kakaiba ka sa lahat, kahit ang iyong ina ay sinasabing ikaw lang ang may kakayahang baguhin ang mundo ninyo pero... hindi pa ito ang panahon para malaman mo. Huwag mong pilitin ang sarili mong maalala ang lahat anak, sa pagbalik mo sa mundong kinabibilangan mo unti-unting babalik ang mga alaala mo" nakangiting dagdag ni Mommy

Dahil sa mga sinabi ni Mommy parang nabawasan ang mga tanong ko sa tunay kong pagkatao. Siguro'y naiiba nga talaga ako sa kanila at isa na sigurong paliwanag ang nagagawa kong pagbabasa ng isip ng ibang tao pero... bakit hindi ko mabasa ang iniisip nila Mommy? Bakit tanging iniisip lang ni Brent ang naririnig at nababasa ko? Posible kayang katulad ko rin si Brent?

Lumabas na si Mommy pagkatapos namin mag usap. Sinabi rin sa akin ni Mommy na naayos na raw ni Daddy ang mga kailangan ko para sa pag lipat ng school at mamaya rin ay darating na rin ang susundo sakin para ihatid sa bago kong school

Bago lumabas ng kwarto ko si Mommy muli pa itong humarap sa akin at sinabing "Huwag ka mag alala anak, muli na kayong magkikita.." sabay sarado ng pinto

Nagtaka naman ako sa binitawang salita ni Mommy, sino ang tinutukoy nito makikita ko na ulit? Posible kayang si Mavien ang susundo sakin?

••••

Lumipas ang ilang oras si Daddy naman ang pumasok sa kwarto ko para sabihing nandiyan na ang maghahatid sa akin sa bago kong school. Niyakap ako ng mahigpit ni Daddy at binilinan na alagaan ko ang sarili ko at huwag na huwag kong kaligtaan ang tawagan sila dahil hindi naman ipinagba bawal ang pag gamit ng cellphone sa bago kong school

Kinuha na ni Daddy amg mga gamit ko at dinala sa sala ang mga ito. Pagbaba namin ni Daddy nakita namin si Mommy na umiiyak habang inaalo ni Manang Aida

"Mom, huwag kana po malungkot mag aaral lang naman ako sa ibang school hindi naman po ako mawawala... kapag nagkaroon ng pagkakataon na payagan kaming bumisita sa pamilya namin ay hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataon na iyon" pag aalo ko rito

"Alam kong magiging makasarili ako kung hindi ako papayag sa desisyon ng Daddy mo... pero hindi lang ako sanay anak na malayo ka sa amin" sabay yakap nito. Hinagod ko ang likod ni Mommy para patahanin ito dahil naiiyak nadin ako.

"Hon, tama na yan pinahihirapan mo lang ang anak natin sa pag alis niya... hindi naman tayo makakalimutan ng anak natin, diba anak?" pag aalo nito kay Mommy

Arcanum Academy (On-Going)Where stories live. Discover now