CHAPTER XIV

27 13 0
                                    

Simula nung naging weird ang pakikisama ni Zandrex sa akin naging ganoon na ang ganap namin araw-araw, kung minsan nga ay naririnig ko pa ang mga bulong bulungan sa academy patungkol sa akin. At simula ng mangyari yon ay lalong lumayo ang loob ni Lhianne sa akin, sina Leslie naman ay palagi akong tinutukso.

Minsan tinatanong ko pa rin  sa isip ko kung bakit naging ganoon ang pakikisama ni Zandrex sa akin. Minsan sweet at kung minsan naman ay sobrang sungit, naaabutan ko pa nga minsan na mas nagiging sweet siya kay Lhianne. Ano to kabit ako? oh ghad ayoko maging kabit tsss!

"Oh, bakit ang lalim ng kunot ng noo mo Cza?" tanong ni Brent.

"Wala!" yun lang sagot ko. Agad naman napatingin si Brent sa katabi ko na nakikipag usap kay Lhianne ngayon at talaga namang ang saya saya nila, sarap pag untugin mga traydor!

"Ahhhhh... mukhang nangangamoy selos" saad nito na hindi gaanong kalakas parang nananadya lang na marinig ko yung sinasabi niya.

"A-ano bang sinasabi mo riyan? Wala lang ako sa mood! H-hindi maganda ang gising ko"

"Masyado ka namang guilty Cza, wala naman akong sinasabing pangalan ah?"

Agad na dinapuan ako ng hiya sa inasta ko at alam kong pulang pula na ako ngayon. Walanghiya na Brent! Kapal ng apog mo oy, kainis!

Tamo tong loko na toh, talaga namang nang aasar pa talaga at ngingisi ngisi habang pabalik balik ang tingin niya sakin at dito sa dalawang katabi ko na naglalampungan este nag uusap.

"Miss Suzzy, paano po namin malalaman kung nagagamit namin ang kakayahan namin?"

"Nagbabago ang kulay o shade ng mata natin tuwing ginagamit natin ang mga abilidad natin pero, kapag naabot natin yung intense color phase kung anong kulay ng ating mata hindi na mababago iyon"

"Wow, so ibig sabihin po nasa intense phase na si Vice Zandrex?" tanong naman ni Tiffany habang naka tingin kay Zandrex.

Ngumiti ng konti si Miss Suzzy at tumingin kay Zandrex sabay sabing. "Tama, ang Vice president pa lang ang nakakaabot sa phase na iyon sa murang edad"

"Oh ghad! Ilang taon kana ba Vice?"

Hindi ito sumagot at parang napahiya naman si Tiffany sa hindi nito pag pansin sa kanya kaya naman ako yung sumagot.

"17 pa lang yan si Vice, magbi birthday sa makalawa kaya 18 na yung bilang niya" ani ko.

Halos nagulat naman sila sa pag sagot ko ultimo si Miss Suzzy ay naibuka yung bibig niya habang naka tingin sa akin. Si Zandrex naman ay ganon din ang reaksyon pero naka bawi agad at biglang ngumisi. Nang maka bawi sila sa gulat agad na umingay para tuksuhin ako. Shete ka nga naman Czarina ohhh! Paano mo nalaman yon?

"Yiieeeeee! Hindi ko alam na, alam mo pala pati ang birthday ni Vice President" nanunuksong ani Tiffany.

"Ano.. ano kasi sinabi niya sakin k-kanina diba Vice?" nauutal utal ko pang sagot sabay tingin ko kay Zandrex. Pinanlakihan ko pa siya ng mata para iparating na maki sabay siya sakin pero may ala demonyo talaga tong isang toh at tinaasan lang ako ng kilay habang naka ngisi.

"I didn't remember na nasabi ko sayo ang edad at kaarawan ko Miss Czarina" with matching evil smirk.

Agad na nagsi tinginan ang mga kasama ko sa'kin sa sagot na iyon ni Zandrex. Geez! Humanda ka talaga sakin mamaya lalaki ka.

Oh ghad! Kung pwede pong lumubog sa kinauupuan ko ngayon please lang ngayon na po sana. Hiyang hiya na ako at alam kong sobrang namumula na ako ngayon.

"I think we should start our class now"

Pagkasabi na pagksabi non ni Miss Suzzy talaga namang naka hinga ako ng maluwag dahil nawala na ang mga matang nakatuon sa akin kanina lang.

Arcanum Academy (On-Going)Where stories live. Discover now