CHAPTER XV

26 11 0
                                    

Haysss umagang umaga ang ingay ingay sa labas ng dorm at pati narin dito sa loob, masyado ata silang excited para sa party mamaya. Buti pa sila excited tapos ako eto parang ayaw pumunta sa party mamayang 6pm.

"Uyyyy, gising na ang prinsesa natin" bungad ni Inigo pagka punta ko sa sala.

Lahat sila may hawak hawak na sobreng kulay puti na may konting halo ng asul. Siguro invitation card?

"Czarina, eto yung sayo may pangalan na yan. Kailangan daw kasi yan bago maka pasok sa field mamaya" ani Hailey.

"Salamat"

Pagka abot sakin ni Hailey binuksan ko agad. Ang cool talaga ng mga gamit dito sa Arcanum biruin mo pati invitation card high-tech nadin. Paano ba naman pag bukas mo nung sobre biglang may lalabas na hologram at lalabas yung picture nung pangalan na  nakasulat para bang kung ano yung naka paloob don sa invitation card eh pino project nito.

"Good day! Czarina Eshreen Okazima Ozawa. President Hanata would like you to join the 18th Birthday Celebration of his beloved son Rom Zandrex Hanata the SSG Vice President of Arcanum Academy. Tuesday, May 24, 2022, 6pm. @Arcanum Academy's field. Please wear a gown and mascara during the party. We really appreciate your presence"

Wtf?! Hindi ako naka bili ng mascara, anong gagamitin ko? Sh*t! sana may extra mascara sila Leslie kung hindi patay kang bata ka.

"Ahm... naka bili ba kayo ng mascara?"

"Hindi, hindi naman natin kailangan pa bumili non eh" sagot naman ni Hailey.

"Talaga? Pero bakit nakasulat sa invitation card kailangan daw naka suot ng mascara"

"Provided narin ng school yon, ipapahatid na din maya maya yung mga mascara natin" excited na sabi ni Tiffany.

Hah! Buti na lang talaga nakahinga ako ng maluwag don ah, akala ko pa naman kailangan namin bumili pa non. Gagahulin talaga ako sa oras kung sakali.

Ilang oras bago dumating yung mga mascara na gagamitin namin ang galing lang kasi, kasing kulay ng mga mascara namin yung gown na susuotin namin.

It's 2:20pm at kailangan na naming mag ayos dahil 6pm ang start nung party. Sumilip ako sa kwarto ni Tiffany at nakita ko na inaayusan na ni Tiffany sila Hailey. Syempre unang natapos si Hailey at ang ganda ganda niya talaga ngayon walang halong biro, yung make up niya light lang tapos yung buhok naman niya parang buhok ni belle bagay na bagay sa kanya siguro mag mu mukha lalo siyang prinsesa kung suot na niya yung gown niya.

"Oh, ayan na pala si Czarina" ani Hailey.

"Ang ganda mo Hailey"

"Salamat, h-hindi nga ako sanay sa ganito eh"

"Naku, kahit na light make up lang ang ginawa ko ang ganda ganda parin ni Hailey" sabat naman ni Tiffany.

Tiffany wear a nude make-up. Bagay na bagay rin sa kanya para siyang artista sa hollywood akala mo dadaan sa red carpet ang gaga. Matured na matured siya tignan sa make-up niya habang si Leslie naman parang sexy look, she wear sexy red lipstick at naka lugay yung buhok niya sa right side tapos may dalawang big circle earrings siya. Kung siguro normal na mundo lang ito maraming magkakandarapa sa kanya pati ba naman hubog ng katawaan biniyayaan.

"Halika na Czarina, ikaw naman aayusan ko para mamaya pagsusuot na lang ng gown po problemahin natin"

Nagsimula na ako ayusan ni Tiffany at talaga naman namamangha ako sa ginagawa niya para bang sanay na sanay na siya sa mga ganitong bagay. Nang matapos ako ayusan ni Tiffany napa 'O' talaga ako at natulala sa itsura ko. Oh ghad! ako ba talaga toh? Totoo? Hindi ko makilala yung sarili ko. She used gilded nude make-up style tapos yung hair style ko naman is naka loose and messy braids. Para akong tunay na prinsesa sa ayos niya sakin ngayon.

Arcanum Academy (On-Going)Where stories live. Discover now