CHAPTER XII

24 12 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa mga narinig ko kanina lang, anong relasyon nila noon? Bakit ganito ang epekto sakin? Bakit ang sakit sakit?

Tapos idagdag mo pa si Mavien, alam kong hindi ako pwedeng magkamali si Mavien ang nakita ko. Pero paano siya naka pasok dito sa Academy? Posible bang hindi siya nalalayo sa kung ano kami?

"Hey, you okay?" si Niro.

"Ha? Oo naman, may naisip lang ako"

"Siguro tungkol yan kay Lhianne, Ano?" singit ni Lesley.

"Ah, oo eh. Nagulat lang kasi ako na may nakaraan pala silang dalawa, wala naman kasing nababanggit sa atin si Lhianne lalong lalo na sa pakiki tungo ni Vice sa kanya"

"Alam mo tama ka, nagtataka rin ako kung bakit ganon maki tungo si Vice sa kanya kung may nakaraan nga sila" sabi nito. "Isa pa, ano kaya yung sinasabi ni Vice kanina na nauubos na raw ang oras niya?" nagtatakang tanong nito habang naka kunot ang noo mahahalata mong naku curious siya masyado.

"Alam mo Les, h'wag na natin isipin yan ipahinga na lang natin yan total wala naman tayong napansin na kakaiba ngayong gabi bat di na lang tayo bumalik na sa dorm?"

"Mabuti pa nga" si Niro.

"Tshhh! Apaka kj talaga ng mga lalaki kahit kailan!"

Natawa ako sa sinabi ni Leslie, dahil sa sinabi niya ay patuloy silang nagbabangayan hanggang sa makarating kami sa dorm. Naabutan namin sina Tiffany, Inigo at Hailey na nag uusap usap malamang ay hindi nila kami napansin.

Teka, bakit hanggang ngayon ay wala pa si Lhianne? Posible kayang....

"Cza..." si Inigo

"Hey, bakit nandito pa kayo? Nasaan si Lhianne?"

"Kanina parin namin siya hinahanap, nung umalis kayo bigla narin siyang nawala eh"

"Hindi paba siya nakakabalik?" tanong ni Leslie na ipinagtaka naman nila.

"Ha? Hindi, wala pa. Teka, nakita niyo ba si Lhianne?" nagtatakang tanong ni Tiffany.

"Oo, kanina nakita namin siya habang nag iikot kami sa may parte ng gubat. Kasama nga niya si Vice slash ex niya"

"Ex?!" halos sabay na tanong nila.

"Ah, eh oo. Kanina kasi nung nakita namin sila parang may pinag uusapan silang imoortante narinig din namin na sinabi ni Vice na wala na sila ni Lhianne" paliwanag ko pero mukhang naghihintay pa sila ng kasunod hays.

"Totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Hailey

"Naku, oo naman Hai. Nagulat nga kami nung marinig namin yun eh pero hindi ba kayo nagtataka kung mag ex nga sila bakit kaya ganon sila makitungo sa isa't isa? Saklap siguro ng hiwalayan nila noh?"

"Kaya pala... "

"Huh? May alam kaba Hai?"

"Ah, wala noh"

"Sus, baka may alam ka ah? Chika mo naman samin wag kang kj!"

"W-ala nga"

Patuloy parin sila sa pag uusap patungkol sa naging relasyon ni Zandrex at Lhianne habang ako nandito sa may sofa hinihintay makabalik si Lhianne. What if nagkaayos na sila? Posible kayang doon nagpalipas ng gabi si Lhianne?

Ilang oras na kami naghihintay naka tulog na ang iba sa amin, malapit na rin sumikat ang araw pero wala paring Lhianne na dumating. Baka nga nagkaayos na sila at doon na siya nagpalipas ng gabi.

••••

"Good morning, Tokubetsu!" bati ni Miss Suzzy.

"Good morning, Miss" sabay sabay naming bati pabalik.

Arcanum Academy (On-Going)Where stories live. Discover now