CHAPTER II

136 19 14
                                    

Isang buwan na ang lumipas nang magsimula ang pasukan pero sa bawat araw na nagdaan palagi ko parin nararamdaman yung kakaibang feeling na parang palaging may nagmamasid sa bawat kilos ko na parang laging may taong gustong umatake sakin

Naglalakad ako hallway ng makasabay ko si Brent. Si Brent na laging sumusulpot sa kung saan saan at nagiging weird sa bawat pagdaan ng araw. Minsan nakikita ko siya na parang pagod na pagod at pawis na pawis akala mo tumakbo ng ilang laps sa field. Kung minsan naman ay natse tiyempohan na kung kailan ako nagha hallucinate na nakikita yung anino bigla bigla siyang sumusulpot at nawawala bigla yung anino na iyon. Naiisip ko tuloy na savior ko siya sa depression ko pero sakit sa ulo kapag kinakausap na niya ako.

"Hey" pagtawag sa akin ni Brent

"Y-yes?"

"Why do you look so pale?" nag aalalang tanong nito

"A-ahm nothing" tipid kong sagot

"Hindi ba maganda ang pakiramdam mo? Sana hindi kana muna pumasok at umabsent kana lang para makapag pahinga yung body mo"

"Alam mo daig mo pa yung magulang ko sa pangangaral mo, puwede ba na tumahimik ka kahit saglit? Sumasakit lalo yung ulo ko sayo" naka simangot na ani ko. "At isa pa Mister Brent, paki bawas bawasan ang pagiging malisosyo okay? Hindi tayo close"

Napa "O" si Brent pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya. Paano ba naman kasi daig pa niya ang babae kung magsalita dire diretso walang preno at ang daldal niya for pete's sake!

Nanahimik na si Brent habang kasabay ko sa pag pasok sa room. Naka pasok na kami at walang bago sa ganap may kaniya kaniyang mundo ang mga blockmates ko. Ilang minuto na ang lumilipas ngunit wala parin ang professor namin siguro hindi na ito papasok

Sa sobrang sama ng pakiramdam ko nararamdaman kong unti unting pumipikit ang tulikap ng mga mata ko hanggang sa balutin na ako ng antok. Kasalukuyang nakapikit ako pero gising ang diwa ko ng marinig ko ang tinig ni Brent

"He will surely punished me if something bad happened to you" ani nito

"Punished? " tanong ko sa sarili ko, bakit naman siya mapaparusahan kung may mangyari sa aking masama? Teka, ako ba yung tinutukoy ni Brent o may kausap siya? Gusto ko sanang malaman pero ayaw makisama ng katawan ko

Tuluyan na akong nilamon ng kadiliman at nagising sa mahinang pag yugyog sa balikat ko. Pilit kong idinidilat ang mata ko ng mataman kong nakita ang dalawang pares ng asul na mata, si Mavien unang una kong naisip ng makita ko ang mga pares ng mata na iyon pero hindi.... si Brent ang gumigising sa akin

"Hey, wake up!"

"Hmmm..."

"Class dismissed na, ilang oras ka na natutulog diyan. Gano'n ba kasama ang pakiramdam mo kaya natutulog ka sa oras ng klase?"

Napabalikwas ako sa sinabe ni Brent, Oh my ghad! ilang oras na akong natutulog at nakakahiya sa professor namin baka mapa tawag ba sina Mommy. Oh sh*t! Czarina Eshreen ano bang pinag gagawa mo sa buhay mo

"What??" nanlalaking mga matang tanong ko. "Kanina pa ako tulog? A-anong sabi ng mga professor? Nagalit ba sila? Ipapatawag ba ang parents ko? Oh ghad Brent!!! Bakit hindi mo ako ginising?!"

"Easy woman, kumalma ka. Unang una, oo kanina kapa tulog at tumutulo na ang laway mo" tumatawang ani nito. "Pangalawa, walang sinabi ang mga proffesor dahil sinabi kong may sakit ka. Pangatlo, hindi nila ipapatawag ang parents mo Okay?"

"Oh sh*t buti na lang" nakahinga ako ng maluwag sa mga narinig ko. "Teka? bakit nga ba hindi mo ako ginising ha?" paninisi ko rito

"Bakit naman kita gigisingin? Close ba tayo? And besides dapat nga maging thankful ka kasi pinagtakpan ko pa ang kaantukan mo sa mga prof. natin" may sarkasmong saad nito

Arcanum Academy (On-Going)Where stories live. Discover now