Chapter III: Rumours

3 2 0
                                    





**************************



Thyrone Brylle Velcasco




Habang abala kaming nag-lalaro, nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa hindi ko kakilala ngunit alam nito ang pangalan ko.




Hindi ko masyadong maintindihan ang nais niyang sabihin dahil magulo, maingay at abala kaming nag-sasaya kaya sandali muna akong umalis at binasa ang natanggap kong mensahe.




Unknown number: Do you really wanna know where is Naomi? And what is she doing? I know everything about her, I'll be more than delighted to help but everything for a price...



Sa halip na sumagot, binasa ko lamang ang mensahe niya. Mukhang isa nanaman siyang peke katulad ng iba, marami na akong natanggap na ganitong klase ng mensahe noon at wala talaga akong ideya kung papaano nila nalalaman ang tungkol kay Naomi.




Maliban sa mga kaibigan ko, wala naman akong ibang pinag-sabihan ng tungkol sa kaniya kaya kung isa man ito sa kanila ay sino at bakit niya 'to ginagawa sa'kin? Pera? Kung 'yon lang naman ang pakay niya, madali naman akong kausap. Hindi niya kailangang manloko.




Mas gugustuhin ko pang tumulong sa iba dahil mas maayos sila kaysa sa ganitong klase ng tao na nang gagamit pa at nanlilinlang, sana maisip niya rin ang bagay na 'yon.




Nag-pasya ako na hindi na lang pansinin ang natanggap kong mensahe, bumalik ako sa mga kaibigan ko upang samahan silang lahat. Si Sean at Enzo ang unang umuwi kahit ayaw pa nila pero kailangan na rin dahil sa personal na issue nila sa kani-kanilang tahanan nila..



Si Sera na lang ang kasama ko. Naisipan ko na rin siyang tanungin kung ayaw niya pang umuwi dahil gabi na rin at baka hinahanap na siya sa kanila, mahirap na rin dahil baka may mga paparazzi nanaman na sumunod sa kaniya katulad noon. Ayoko nang maulit 'yon.



"Sera, I'm not pushing you away but it's already late. Shouldn't you be heading back home? The two morons already left". Paalala ko sa kaniya kahit alam niya namang umuwi na sila.




She smiled at me. "You're actually right, Thy. I should be heading home now. May kailangan pa pala akong tapusin, I have to go". Agad niya namang sagot na ikinagulat ko nang labis.




Dahil hindi naman siya umangal, naisipan ko na siyang ihatid palabas. Marunong namang mag-maneho si Sera kaya wala akong problema at isa pa? Wala namang uminom sa'min kaya sigurado akong makakauwi siya nang maayos.




"I'll go ahead now, Thy. Thank you for letting us celebrate with you". Malambing niyang wika.




Tipid akong ngumiti. "You're welcome, what are friends for right? Take care of yourself, okay? Just message Enzo or Sean if you're already back home". Paalala ko kay Sera. Tatalikod na sana ako at mag-lalakad palayo ngunit hindi ko inaasahan ang ginawa niya sa'kin.




Bigla niya akong niyakap patalikod, mahigpit ang pag-kakayakap niya sa'kin kaya hindi ko magawang maalis ang mga ito..




"Sera, get off of me".



"Thryone, you know I like you but here you are again. Acting cold towards me".




"I know that but I'm pretty sure that you're aware whom I like".





A Gamer's DesireWhere stories live. Discover now