004

1.1K 29 0
                                    

I G N O R E D

LUNES NA at maaga akong pumasok para hindi ako abutan ng traffic. Bitbit ang handbag ko at paper bag na laman ang mga binake ko kahapon ay pumasok na ako ng hospital para mag-log in. Nakasalubong ko si Brian at nakatutok ang tingin niya sa dala kong paper bag.

"Good morning, Lavender! Para samin ba yan?" tanong niya at kita sa mata niya na excited siya dahil nasanay na siya na tuwing lunes ay may dala akong desserts para sa kanila.

"Good morning! Syempre naman para sa atin ito! Kainin natin mamayang lunch!" saad ko at inilagay ito sa locker ko. Ngumuso siya at pinigilan akong masarado ang locker.

"Pahingi naman isa oh! Isa lang! Dali na, Lavender matakaw iyon si Jenna uubusin niya yan mamaya! Lalo na at baka late ako makapag-lunch!" nagmamakaawa siyang tumingin sa akin. Binigay ko sa kanya ang paper bag dahil madami naman ang dinala ko ay sinabi ko sa kanya na kumuha na siya kung gaano kadami gusto niya.

Pagkatapos niya kumuha ay nag-umpisa na ako magtrabaho. Inayos ko na ang mga gamot at kinuha ko na ang pagkain kay Manang sa cafeteria at tulad ng dati ay iba ito kesa sa kinakain ng ibang pasyente. Tumungo na ako sa room 33 para dalhin ang breakfast ni Mr. Leone.

Matapos tahakin ang mahabang hallway ay narating ko na rin ang kwarto. Ang dilim sa hallway at ang lalayo ng agwat ng mga bukas na ilaw at malalabo pa.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Nakaupo siya sa higaan habang nakatitig sa pader sa harapan niya. Hindi siya lumingon sa akin at ang nakikita ko lang ay ang likod niya na nakaharap sa akin.

"Good Morning." bati ko sa kanya ng nakangiti. Hindi niya ako pinansin kaya lumapit ako sa kanya at nilapag ang breakfast sa bed inantay ko itong kunin niya at kinuha niya naman ito matapos ang ilang minuto. Hindi niya ako tinapunan ng tingin at tahimik na kumain.

Pagkatapos niya kumain ay inabot ko sa kanya ang mga gamot at tinanggap niya ito ng hindi parin ako pinapansin. Pagkatapos ay hindi muna ako lumabas ng kwarto at sinubukang kausapin siya.

"Mr. Leone did you know that you have a session with Dra. Yna soon?" sa tagal kong nagisip ng sasabihin ay iyan ang lumabas sa bibig ko. Ilang minuto ako nag-antay ng sagot o kahit lingon ay hindi niya parin ako pinansin.

Bigo akong naglakad palabas ng kwarto umasa akong pipigilan niya ako pero hanggang sa makalabas na ako ay hindi niya talaga ako pinansin.

Abala ako sa pag-iisip habang naglalakad sa hallway papuntang medicine room. Wala na kasi akong ibang gagawin kasi mamaya pang 12 noon next na inom ng gamot ni Mr. Leone.

Natapos kong i-arrange ang mga medicine ng lunch time na. Kaya kinuha ko yung desserts sa locker ko at dumiretso sa canteen. 11:30 kami madalas mag-lunch at mamayang 12 noon ako babalik kay Mr. Leone. Umupo ako sa pwesto namin nina Brian.

"Hi Lavender!" bati ni Jenna.

"Sana all Lavender sa isang patient lang naka-assign!" Jeremy.

"Lavender! Balita ko sa tabi tabi gwapo raw si Patient 033?" Casey.

Ngumiti ako sa kanila at naupo sa tabi ni Jenna at Casey. Tinext nga pala ako kahapon ni Sir Matthew na bawal ipagsabi ang name or any information kay Patient 033 dahil confidential daw. Kinuha nila ang dala kong paper bag at nagkanya kanya silang kuha. Dumating naman si Manang at nilapag ang madalas kong orderin na pagkain sa harapan ko. Nagpasalamat ako at sabay sabay kaming apat kumain.

"Hello Jenna! Nakaka-bored nga eh Jeremy kasi halos wala na ako magawa after mapainom ng gamot. At yes gwapo si patient 033 Casey." isa isa ko silang sinagot. Mukha namang excited at kinikilig si Casey sa sagot ko sa kanya. Pero totoo naman din na gwapo si Mr. Leone. His eyes are attractive at magandang titigan lalo na kapag kalmado lang.

"Ano bang diagnosis sa kanya?" tanong ni Jeremy. Mostly ang mga naka-assign sa kanya ay may mga bipolar disorder. Naisip ko na dahil hindi naman nila kilala si Mr. Leone ay okay lang malaman nila kung anong sakit niya.

"Intermittent explosive disorder and io-observe pa siya to know if meron pang iba." paliwanag ko. Nagsesend rin ako ng reports kay Dr. Yna ng behaviors ni Mr. Leone. Sa ngayon ay busy si Dr. Yna dahil pinatawag siya ng tatay niya. Mayaman siya at tigapagmana ng Rodriguez Empire pero mas pinili ni Dr. Yna ang maging psychiatrist gaya ng kanyang nanay.

"That's tough. Better be careful he might snap at you." paalala ni Jenna.

"So kamusta na kayo ngayon? Friends na kayo or galit siya sayo?" tanong ni Casey.

"Nah... He built strong walls around him so other people can't get in his mind or live." pumasok sa isip ko ang nangyari kanina na hindi niya pagpansin sa akin.

"I know that look. You look sad because ayaw niyang kaibigan ka right?" ngumisi si Jenna.

"Maybe Lavender somehow likes... Patient 033? I mean she said naman na gwapo siya so..." mapang-asar na saad ni Casey.

"Of course not! Wala akong gusto sa kanya. It's just that I want to be friends with him so I could help him. But how can I help him if he doesn't want to accept any help even from Dr. Yna." agad kong tanggi sa sinabi ni Casey. Wala akong gusto kay Mr. Leone but I admit na gusto ko ang mga mata niya but that's it.

"I had a previous patient last year with IED she was a tough nut to crack. She won't open up and talk to her psychiatrist. She get angry for no reason or for stupid reasons most of the time." saad ni Jeremy.

"Goodluck to Lavender." Jenna said at tinapik ang balikat ko. Ngumiti ako at tumango at pinagpatuloy namin ang pagkain.

HUMINGA ako ng malalim at pumasok sa room 33. Sana at pansinin na ulit ako ni Mr. Leone. Gaya ng dati ay nakaupo lang siya sa kama at nakatitig sa kawalan. Di ko rin siya masisi dahil there's nothing in this room para ma-entertain siya. Kung bigyan ko kaya siya ng mapaglilibangan? Kaso hindi pwede.

Umaasa akong tatapunan na niya ako ng tingin o kakausapin kahit kaunti. Kaninang tanghali ay nung pumunta ako dito ay para ba akong hangin. Hindi niya naman ako iniiwasan sadyang hindi lang pinapansin.

"Good evening Mr. Leone." masigla kong bati. Nilapag ko ang pagkain sa tabi niya at pagtapos naman ng isang minuto ay kinuha na niya ito at kinain. Binigay ko sa kanya ang Antidepressants at Mood stabilizers at kinuha niya ito ng walang lingunan.

"Good night" ani ko at lumabas na ng kwarto. Bagsak ang balikat ko habang naglalakad sa hallway. Ngumuso ako dahil sa lungkot na nararamdaman ko dahil sa pag-balewala niya akin ngayon araw. May nagawa ba ako kaya siya nagkakaganon? Bumuntong hininga ako at hanggang sa makapag-out ako ay mabigat ang pakiramdam kong umuwi sa bahay.

Patient 033Where stories live. Discover now