009

1.1K 35 1
                                    

S T R A N G E R S

NILAGAY ko ang carrot cake sa isang box at ang chocolate chip cookies naman ay sa isang jar na lamang. Tapos na ako mag bake at napalamig na ang mga ginawa ko kaya itatabi ko muna at dadalhin sa trabaho bukas para sa mga co-workers ko.

Umupo ako sa sofa para manood ng TV at magpahinga. Nilagay ko ito sa comedy pero habang nanonood ay imbes na sa TV ang atensyon ko ay na kay Blade.

Napabuntong hininga nalang ako tuwing naiisip ang black out ni Blade. It makes me curious about sa past niya. Kung bakit ba siya nagkaganoon at sino ang may dahilan.

Gustong gusto ko siya tulungan makabangon sa problema niya pero may parte sa akin na natatakot sa kung anong kaya niyang gawin.

Mabuti na lang at hindi ganoon kahigpit ang rules sa hospital pagdating sa nurse and patient relationship. Dahil talagang kakaiba ang mental hospital na pinagtatrabahuhan ko compared sa iba na dapat always professional.

Proud...

Iyon lang ang naintindihan ko sa mga binanggit ni Blade. Proud? Gusto niya ba na may maging proud sa kanya o proud siya for someone?

Naisip ko na kung ano man meaning ng pagkabanggit niya sa salitang proud ay paniguradong may kinalaman ito sa nakaraan niya.

Tumango ako at napangiti sa kaunting progress ko sa kaalaman sa kalagayan ni Blade. Bukas ay ire-report ko kay Dr. Yna ang bago kong tuklas para mas ma-evaluate niya.

I ignored the heavy feeling na kahapon ko pa nararamdaman dahil sa biglang pagbago ng ugali ni Blade. Kailangan kong maintindihan na dahil lang iyon sa sakit niya at bukas ay maayos na ulit kami at makakapag-usap na uli.

Itinuon ko na ang atensyon ko sa TV at sinigurado ang sarili na bukas ay maayos na muli kami ni Blade na para bang walang nangyari.

"GOOD MORNING!" magiliw kong bati kay manong guard habang bitbit ang mga ginawa ko kahapon. Binati niya ko pabalik at nagpunta na ako sa locker room para mag-ayos.

Pagkatapos ay dinala ko ang isang jar ng chocolate chip cookies para ibigay kay Blade. Dumaan na muna rin ako sa cafeteria para kunin ang breakfast niya.

Nakangiti nanaman ako magisa habang naglalakad sa hallway papuntang room 40. Excited na ako ibigay ito kay Blade dahil alam kong paborito niya ito. At makakapag usap ulit kami ng matino.

Pagdating sa pinto ay binuksan ko ang lock at pinihit pabukas. Nakahanda na ang ngiti ko pagpasok sa kwarto pero agad ring nawala ng walang Blade akong nadatnan. Nagtatakang nilibot ko ang tingin sa paligid at kabuuan ng kwarto pero ni anino ni Blade ay wala.

Hindi ba't dito siya na-transfer pansamantala?

Lumabas na ako at sinarado muli ang kwarto. Naisip ko na baka ay naibalik na siya sa room 33 bago ako makadating kaya doon ako naman dumiretso.

Pero pagdating ko sa room 33 ay fully locked ito at security officers lang ang makakabukas dahil naka-on ang ID scanner. Nao-on lang ang ID scanner kapag walang naka-assign o tao sa kwarto kaya ibig-sabihin at wala rin dito si Blade.

Kinagat ko ang labi ko kakaisip kung anong nangyari. Dahil sigurado talaga akong sa room 40 siya dadalin kapag nagka-problem sa room 33. At malabo ring nakalabas na siya ng ospital dahil hindi pa tapos ang sessions niya. Pero paano kaya kung nasa office siya ni Dr. Yna.

Agad akong lumiko ng daan papunta sa office ni Dr. Yna. Kumatok ako at ilang sandali lang ay bumukas ito at bumungad sa akin si Dr. Yna na namumula at nakasimangot.

Ano kayang nangyari sa kanya?

Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit ganoon ang itsura niya pero huwag nalang dahil mukhang wala siya sa mood.

Patient 033Where stories live. Discover now