021

740 20 3
                                    

Warning: Uncomfortable/Abuse scenes below. Read at your own risk on the italic words.

B U R N   I T   A W A Y

Malamig at madilim na paligid ang bumungad sa akin pagdilat ng mga mata ko. Lugar na alam na alam ko. Hindi pa man lumilipas ang isang minuto ay dahan-dahang bumukas ang kinakalawang na bakal na pintuan at nakangising pumasok si Steven.

"How are you, kid?" tanong niya at tumawa.

"Oh what am I saying. It must be fun just sitting around all day huh?" unti-unti siyang lumapit sa akin at lumuhod sa harapan ko. Nanginginig ang buong katawan ko at walang tigil na tumulo ang luha ko ng maramdaman ko ang marumi niyang kamay na nakahawak sa dibdib ko.

Kagat ko ng madiin ang aking labi sa takot na gumawa ng ingay na makakapag-pagalit sa kanya. Bumaba ang kamay niya sa tagiliran ko at pababa sa hita ko. Hindi ko na napigilan ang hagulgol ko at matinding takot na nararamdaman. Ngunit wala akong magawa dahil hindi ko na halos makilos ang katawan ko sa sobrang sakit nito.

"I'm thinking about... Selling you for a big sum of cash. I mean I'm getting bored of you so I'll throw you away but in exchange for money." saad niya at tumawa ng malakas.

Unti-unting dumako ang kamay niya muli sa dibdib ko papunta sa leeg ko at sa pisngi ko. Sinampal niya ito dahilan na tuluyan akong napahiga sa malamig at maruming sahig.

"You're so useless. No wonder your father gave you up like that." umiling siya habang nakangisi at tumawa siya ng mapansing natahimik ako dahil sa sinabi niya.

"Looks like someone misses her daddy. So how about let's play a game about him, yeah?" nakakaloko niyang saad at umakto na nag-iisip.

Pagod na pagod na ang katawan at isip ko. Matagal na akong dapat nawalan ng pag-asa na makakaalis pa ako sa impyernong ito. Pero palaging bumabalik sa isipan ko ang boses ng lalaking minsan ng bumisita sa akin dito. Hindi ko alam kung tunay ba siya o imahinasyon ko lang pero ang mga salita niya ay naging sapat para kumapit pa ako kahit pagod na pagod na ako.

'Just hang on there for a little while more, little flower.'

Iyon ang eksaktong mga salita ang sinabi niya sa akin. Simula non ay palagi ko itong naririnig sa isip ko at umaasang siya ang tutulong saakin. Kung sino man siya ay bawat oras akong umaasa na sana ay bumalik muli siya.


"Enough daydreaming you little trash. We will play 2 truths and a lie about your daddy because why not?" sinabunutan niya ako at ngumisi.


"First... He sold you to me.

Second, I killed him.

Third... He came to save you earlier today.

Now pick your guess, which one is a lie?" may nakakalokong ngisi na nakapaskil sa mukha niya. Hindi ako kumibo at umaasang sana ay manawa na siya at lumabas na lamang ng kulungan ito.

Ilang segundo na katahimikan ang lumipas bago ako nakakuha ng lakas upang magsalita. Ngunit pagka-buka pa lamang ng bibig ko ay biglang bumukas ang pinto at sumilip ang nakakasilaw na liwanag.

Patient 033Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang