006

1K 29 0
                                    

E M E R G E N C Y

PITONG ARAW na ang lumipas at sa pitong araw na iyon ay maraming nagbago at bumuti sa relasyon namin ni Blade. Unti unti ay kinakausap na niya ako ng mahaba habang salita. At hindi lang iyon ang magandang balita dahil sa pitong araw na iyon ay tatlong beses ko na siyang nakitang ngumiti!

Malapad akong nakangiti habang naglalakad muli sa hallway ng magisa. Hindi ko talaga maalis sa isipan ko ang mukha ni Blade nung ngumiti siya sa akin. Hindi man kasama ang kanyang mga mata pero at least he smiled.

Nangyari ang malaking improvement na iyon habang naguusap kami ng kung ano anong bagay. Yung unang beses na ngumiti siya sa akin ay noong bago ako mag-out ay kinukwento ko sa kanya ang routine ko kada araw. Nakita kong sumilay sa mga labi niya ang munting ngiti habang nakikinig sa akin. At ang pangalawang beses ay nung dinalhan ko siya ng ginawa kong chocolate chip cookies. Tinanggap niya iyon at binigyan ako ng ngiti na at payapa niya iyong kinain. Sinabi niya rin sa akin na naalala daw niya ang lola niya dahil sa cookies. Dahil noon daw ay lagi siyang pinagba-bake ng lola niya ng chocolate chip cookies.

Magaan lang ang expression niya sa mukha habang sinabi iyon seryoso parin pero hindi siya tensed. Pero pagkatapos niya ako kwentuhan ng kaunti ay agad naman niya akong pinalayas sa kwarto niya na para bang walang nangyari at bumalik siya sa ugali niya noong bago ako bilang nurse niya.

At ang pangatlong beses ay noong nakaraang gabi lang. Bago ako mag-out at nung nagpaalam na ako sa kanya bago lumabas ng kwarto niya ay nagpaalam rin siya sa akin ng may maliit na ngiti.

Sobrang saya ko talaga dahil unti-unti ay nagbabago ang ugali at trato sa akin ni Blade. Minsan ay lagi parin siyang galit pero di na tulad ng dati. Masaya rin si Dra. Yna sa mga reports na binibigay ko sa kanya na tungkol sa obserbasyon ko kay Blade.

Nakahanda na ang malapad kong ngiti at para batiin si Blade ng binuksan ko ang pinto sa room 33. Gaya ng parati ay nadadatnan ko siyang nakaupo sa kama habang masama ang titig sa pintuan. Nang magtama ang paningin namin ay kita ko na agad na lumambot ang tingin niya at mas naging kalmado.

"Good morning, Blade!" magiliw kong bati at tumango lang siya.

"I brought your favourite! I requested Manang to buy this for you." binigay ko sa kanya ang tray at tinanggap niya iyon ng tahimik. Matapos niya kumain ay uminom siya ng gamot at hindi muna ako umalis dahil nung mga nakaraang araw ay lagi niya akong pinipigilang umalis at hahayaan muna akong mag-stay ng mga 20 minutes kasama siya.

Bumalot ang katahimikan sa loob ng kwarto at walang bumasag nito ng ilang mga minuto. Nakaupo lang ako sa sofa habang si Blade ay nakaupo sa kama at nakasandal sa headrest.

Nakapikit ang mga mata niya kaya malaya ko siyang tinitigan. Hindi ko alam kung bakit ba nag saya ko tuwing tinitigan ko siya siguro dahil ay sobrang gwapo niya at ang sarap pagmasdan ng asul niyang mga mata na kasing asul ng dagat.

Muling pumasok sa isipan ko ang mga katanungan na lahat ay may kinalaman kay sakanya. Hindi parin siya nagk-kwento ng tungkol sa kanya at sa buhay niya. Pero naiintindihan ko naman kung hindi pa siya komportable na gawin iyon pero sana rin ay sa mga susunod na araw o linggo ay mag-open up na siya sa akin o kahit kay Dr. Yna. Dahil malaking tulong iyon sa mabilisang paggaling niya.

Nilakasan ko ang loob ko na magtanong sa kanya na tungkol sa kanya dahil tutal ay bumuti ang kalagayan niya sa mga nakaraang araw.

"Blade... Where is your mother or father?" Iyon ang una kong tinanong sa kanya na sana ay hindi siya na-trigger. Dumilat ang mga mata niya at matiim siyang tumingin sa akin na walang ekspresyon ang mukha.

"Dead." matipid niyang sagot tumango naman ako at naghintay kung may iba pa siyang sasabihin. Lumipas ilang segundo ay hindi na ulit siya nagsalita.

"They were killed." dugtong niya at nag-iwas na ng tingin. Nagulat ako sa sinabi niya at naisip na siguro ay may kinalaman iyon sa kondisyon ngayon ni Blade.

"They were killed with just one bullet shot through their heads." kumunot ang noo niya at nanlaki mata ko sa narinig. Sino naman ang taong kayang pumatay ng ganon ka brutal? Baril sa ulo at dalawa pa sila! Pinagmasdan ko ang ekspresyon sa mukha ni Blade at kita ko ang galit niya. Kung ganoon ay malaking posibilidad na ang dahilan ng mental disorders ni Blade ay dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya.

"I am so angry on how they died!" saad niya na nanggigigil ang boses. Nakaramdam ako ng takot sa sobrang galit na mukha niya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito kagalit kaya kinakabahan ako. Pero agad rin naman nawala ang galit sa mukha niya at bigla siyang ngumisi.

"They should had been tortured! To the extent that they will beg for their death!" tumawa siya na dahilan ng pagtayo ng balahibo sa katawan ko. Suminghap ako na nakatingin sa kanya hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Akala ko ay galit siya sa mga gumawa non sa mga magulang niya! Hindi ko siya maintindihan. Umiling ako at naguguluhan. Pero hindi ko siya pwedeng agad husgahan dahil hindi ko alam ang buong istorya ng buhay niya. Maaring masama talaga ang mga magulang niya o may nagawa sa kanya o di kaya ay dahil lang talaga sa mga sakit niya.

"Leave." bumalik ulit sa walang emosyon ang mukha niya ng inutos niya sa akin iyon. Wala sa sariling sumunod ako at umalis na sa kwarto.

Lumilipad ang isipan ko na bumalik sa general office. Bumungad sakin si Brian na hawak ang phone ko at agad na inabot sa akin.

"May tawag ng tawag kanina pa. Narinig ko sa locker mo tumutunog nung kinuha ko yung damit ko sa locker room." aniya at umalis na habang may dalang bag.

Tinignan ko ang phone ko at may 6 missed calls mula sa unknown number. Binuksan ko ito at biglang tumawag muli ang number na iyon.

Sinagot ko ito at agad kong narinig ang pamilyar na boses at umiiyak ito.

"Ate Jane!" umiiyak na tawag ni Marie. Si Marie ay pinsan ko sa tatay at malayong kamag-anak ko lang siya.

"Bakit, Anong nangyari Marie?" nagtataka kong tanong dahil kahit kailan ay hindi naman kami naging malapit sa isa't isa at hindi rin naman halos nag-uusap.

"Si lola nasa hospital! Please pumunta ka rito! Bago siya mahimatay ay binanggit niya pangalan mo!" naghahadali niyang sabi. Binalot ako ng pag-aalala para kay lola. Si lola karing ay kahit hindi kami malapit ay tinulungan na niya ako isang beses na patuluyin sa bahay niya nung isang beses na nagawa kong tumakas kila Steven.

"N-nasaang hospital kayo?" nag-aalala kong tanong at agad na pumunta sa locker room para magpalit. Sinabi niya sa akin kung saang hospital at pinatay na ang tawag. Pagkatapos magbihis ay agad akong nagpunta sa office ni Sir Matthew at saktong naabutan ko siya roon.

Nagpaalam ako sa kanya na kailangan kong mag emergency leave for one week. Nag-alangan siyang pumayag dahil wala daw pwedeng pumalit na nurse ni Blade. Pero ng sabihin ko sa kanya ang dahilan ng pag-alis ko ay pumayag na siya at gagawan na lang daw ng paraan. Nagmamadali akong umuwi at nag-impake at bumiyahe papunta sa Bataan kung saan ako dati nakatira.

Patient 033Where stories live. Discover now