017

872 22 5
                                    

Warning: This chapter (sa bandang hulihan) contains triggering topics like slight violence.

***

MALAKAS ang simoy ng hangin at makulimlim ngayong araw habang naglalakad-lakad ako sa parke. Pinagmamasdan ko ang mga bata sa paligid na tumatakbo at tumatawa habang sinusulit ang buhay na walang alalahanin. Mga ibon sa sanga ng mga puno na humuhuni at mga magkasintahan na nag-uusap sa tabi-tabi.

Malalim akong bumuntong hininga dahil nandito ako para makakita ng bagong paligid at hindi parati sa ospital. Gusto ko naman doon kaso ay naaalala ko si Blade. Miss ko na siya at ang pagiging masungit niya sakin at ang mga tingin niyang walang emosyon dahil pilit niya ito tinatago at binabaon sa malalim na parte ng isipan niya.

Naupo ako sa bakanteng bench na nasa tabi ng puno at likod ng small fountain. Nandito ako para malayo muna sa mga pangyayari sa trabaho ko sa hospital pero pagdating ko dito puro iyon din ang nasa isip ko. Maya-maya lang ay naramdaman kong may tumabi sa akin at bago ko pa tignan ito ay bigla siyang nagsalita.

"A penny for your thoughts?" saad ng malalim na boses at ng matignan ko na kung sino ito ay sa laking gulat ko na si Jason pala ito. Gulat akong nakatingin sa kanya pero malapad akong ngumisi sa kanya.

"Actually, my thoughts are worth a dollar." ani ko. Tumawa siya siya ng mahina at naglabas bigla ng wallet kaya nanlalaki ang mata na umiling ako dahil literal na humugot siya ng 1 dollar bill.

"I'm just kidding!" saad ko. Nang makitang wala akong balak kunin yon ay binalik na niya ito sa wallet at tinago na sa bulsa ng jeans niya.

"So, mind sharing your thoughts Lave– Jane?" tanong niya. Natigilan ako at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Huh? Ano dapat yung pangalan na sasabihin mo?" takang ani ko dahil parang 'Lavender' ang sasabihin niya dahil masyadong malapit ito. Pero sa pagkakatanda ko ay 'Jane' ang pakilala ko sakanya nung nakaraan.

"Oh uhm I was supposed to say Lavender because your smell distracts me. You smell like lavenders." paliwanag niya. Tumango ako at ngumiti sa pagkakaintindi dahil ang gamit kong cologne ay lavender scent na binibili ko sa kapitbahay na taga-batangas na si lola rita. Siya mismo gumagawa ng mga cologne at marami siyang available na ibang scents at gumagawa rin siya ng iba pang mga skin and beauty products.

"Actually, since this is our second time meeting. I'll tell you now na Lavender talaga ang pangalan ko." pag-amin ko pero wala man lang akong nakitang bakas ng gulat sa mukha sa niya at may maliit lang na ngiti.

"Nice meeting you again, lavender." ani niya at marahan na binigkas ang pangalan ko.

Lumakas ang sikat ng araw at uminit ng kaunti kahit pa malakas ang hangin. Napatingin ako sa kabuuan niya. Bakat ang muscles niya sa long black turtle sleeves na suot niya at sa pang-ibaba ay black leather jeans at black boots. At may suot din siyang makapal na black sunglasses. Napansin ko rin na naka-gel na ang buhok niya ngayon di tulad nung una kaming nagkita na bagsak lang ang buhok.

"Hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mo?" tanong ko para mabasag ang hindi komportableng katahimikan. May kakaibang kaba akong nararamdaman na hindi ko maintindihan pero siguro ay dahil lang ito sa bagong kilala ko palang siya at nakaka-intimidate ang itsura kapag walang kangiti-ngiti.

"No. I need to– I mean want to wear long sleeves when going out. But it depends on my... mood." saad niya. Tumango ako at binaling ang tingin sa small garden ng pink carnation flowers. Habang nakatitig sa bulaklak ay naalala ko ang pangyayari samin ni Blade sa garden ng hospital.

Patient 033Where stories live. Discover now