020

797 18 3
                                    

R E C O V E R Y

NARAMDAMAN ko ang sakit ng aking katawan at ang lamig ng paligid. Hindi ko maigalaw ang katawan ko at hirap na idilat ang mga mata. Pero kahit pa ganoon ay pinilit kong buksan ang mga mata ng paunti-unti ngunit agad akong nasilaw sa liwanag. Matapos lamang ang ilang minuto ay nasanay na ako sa liwanag at nadilat ko na ng tuluyan ang mga mata ko.

Nilibot ko ang tingin sa paligid at puno ito ng mga dekorasyon ng mga bulaklak na lavenders at roses. Inalala ko kung bakit ako napunta sa sitwasyong ito at naalala ko ang paglalakad sa pauwi at ang kotseng naka-bunggo sa akin. Napunta ang atensyon ko sa biglaang pagbukas ng pinto at pumasok dito ay sina Brian, Jenna, Jeremy, at Casey.

Nabitawan ni Jeremy ang hawak niya at natulala naman si Casey at Jenna habang si Brian ay suminghap habang hawak ang dibdib. Gustuhin ko mang batiin sila ay hindi ko magawa sa sobrang sakit ng lalamunan ko dahil tuyong-tuyo na ito. Tubig ang kailangan ko sa oras na ito at mukhang napansin iyon ni Casey dahil tumakbo siya papunta sa akin na may hawak na bottled water.

"Oh my god Lavender you're awake!"

"Kamusta ka na? Anong nangyari? May masakit ba?"

"Anong gusto mo? Pagkain, tubig, bulaklak, o dating patient mo?"

"Miss na miss ka na namin!"

Sunod sunod nilang sabi at sabay na naglapitan sa akin. Binigyan ko sila ng matamlay na ngiti habang pinalilibutan nila ang hospital bed na kinalalagyan ko.

"Miss ko na rin kayo..." saad ko. Natutuwa ako sa pagbisita nila sa akin at mukhang sa dami ng bulaklak sa kwarto ko ay halos ang dalas siguro nila bumisita sa akin.

"Lavender my precious bff you were in a coma for a month!"

"Yeah, when Dr. Yna broke the news that you're in the hospital we became the flash just to get here."

"I was craving for your blueberry cake for almost a month-ouch aray!" hawak ni Brian ang ulo matapos itong hampasin ni Casey dahil sa sinabi. Natawa ako sa kanilang at pinangako kay Brian na gagawan ko siya ng Blueberry cake kapag gumaling na ako.

"Wait, diba dapat tumawag kayo ng doctor?!" Malakas na tanong ni Jeremy.

"Natawag ko na!" Sigaw ni Brian na nasa kabilang side ng kwarto at inaayos ang mga bagong dalang bulaklak.

Hindi nagtagal ay may pumasok na doctor at sinuri ako. Sinagot ko lahat ng tanong niya tungkol sa mga nararamdaman ko. Nang umalis na ang doctor ay pinalibutan ulit nila ako.

"Dinalhan ka namin ng banana loaf diba favorite mo to? Lagi kami nagdadala nito kapag bibisita sayo para if ever gumising ka na eto na kagad yung fave mo. Pero sa tuwing hindi ka parin dumidilat non si Brian ang lumalamon nito." Sabi ni Jenna at lumingon si Brian sa kanya na parang hindi makapaniwala.

"Ako? Excuse you! tumitikim lang ako pero si Jeremy talaga ang umuubos niyan." Depensa ni Brian at agad na umiling si Jeremy.

"Excuse lang guys ha? Nahihiya na rito YUNG bumibili ng banana loaf na yan." Saad ni Casey.

"Gusto mo na kumain, Lavender? Nagdala kami ng banana loaf, blueberry muffin, pasta na italian ang name, at cookies." May hawak na tray si Jenna at puno ito ng pagkain. Hindi pa ako nakakasagot pero binaba niya ito sa harapan ko. Hindi na ako umangal dahil nagugutom na rin naman ako kaya kinuha ko sakanya ang kutsara kahit nanghihina ay dinahan-dahan ko na lamang ang pagsubo. Ilang beses niyang in-offer na susubuan nalang ako pero tumanggi ako dahil kaya ko naman ito. At ang dami na nilang nagagawa para sa akin ang swerte ko na naging kaibigan ko sila.

Patient 033Where stories live. Discover now