023

704 17 1
                                    

S O M E W H E R E   I N   T H E  
F O R E S T

DUMATING NA ANG araw na pinakahihintay ko. Papasok na ulit ako sa trabaho! Mabilis akong naligo at nagbihis pagkatapos ay nagluto ako ng pancakes para sa umagahan at hinanda lahat ang mga kailangan kong gamit. Kinuha ko ang isang jar ng chocolate chip cookies sa kusina at nilagay ito sa paper bag kasama ng iba ko pang mga ginawa.

Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko habang naglalakad papunta sa pinto. Sobrang excited na ako na bumalik ulit sa trabaho dahil talagang namiss ko iyon. Binuksan ko ang pinto at lumabas ako pagkatapos ay ni-lock ko ito at nilagay ang susi sa bag ko. Mabilis akong naglakad papunta sa gilid ng kalsada para mag-abang ng sasakyan.

Walang gaanong dumadaan pa sa ngayon dahil ala-sais palang ng umaga. Napatingin naman ako sa itim na van na huminto di kalayuan sa akin. Bumukas ito at may lumabas na isang lalaki. Nagtataka akong tumingin dito dahil diretso itong naglalakad papunta sa kinaroroonan ko at direkta siyang nakatingin sa akin. Nang makalapit siya ay binigyan niya ako ng masayang ngiti.

"Miss Lavender, correct?" tanong niya at alangan akong tumango.

"Anong pong kailangan niyo?"

"Wala naman. Pasensya na napag-utusan lang pero don't worry wag kang matakot at sumama ka sakin ng payapa." mahinanon niyang saad. Bahagya akong umiling at humakbang paatras.

"It's either the easy way or the hard way so don't resist!" Napasigaw ako ng bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang dalawa kong kamay at pilit na pinigilan akong makatakas. Nagpumiglas ako pero malakas ang kapit niya at may panyo siyang tinakip sa ilong at bibig ko. Kaya agad kong nalanghap ang kung anong chemical at alam kong sedative ito. Naramdaman ko agad ang epekto nito sa katawan ko kaya naman ay nabawasan ang pagpupumiglas ko. Mas napabilis sa lalaki ang paghila sa akin papunta sa van at wala ng nagawa ang mahina kong pagtulak sa kaniya hanggang sa tuluyang umepekto ang chemical na ginamit niya at bago mawalan ng malay ay natanaw ko pa ang isang lalaking nasa van na nakatingin sa akin habang tinulak ako ng isang lalaki kanina sa loob nito.

...

Dahan-dahan akong dumilat at napahawak sa aking ulo. Napadaing ako sa pagkirot nito at tumingin sa paligid ko. Napabalikwas ako ng upo ng ma-realize na nasa isa kong sasakyan at hindi ko kilala ang nasa harapan ko. Mas tumindi ang kirot ng ulo ko pero hindi ko muna ito ininda at nagpabalik-balik ang tingin sa dalawang lalaki na ngayon ay nakatingin sa akin maliban sa nagda-drive.

"A... Anong.... Bakit ako nandito?!" malakas kong tanong.

Tauhan ba sila ni S-Steven?

Nanlaki ang mata ko sa kaba sa tanong na iyon at nilingon ko ang pinto ng van at kinalampag ito paulit ulit.

"Hey hey hey calm down woman!" Ani ng lalaking nasa driver's seat. Hindi ko siya pinansin at hinihingal na pilit binubuksan ang pinto. Napuno ako ng kaba at hindi mapakaling sinuri ang paligid na maari kong magamit para makatakas.

"Miss Lavender you're safe don't worry!" Saad naman ng lalaking nagdala sa akin dito. Umiling ako paulit ulit sa sinabi niya.

Hindi ako ligtas kung sakanya nila ako dadalhin! Hindi pwedeng bumalik nanaman ako sa impyernong yon. Masaya at kontento na ako sa buhay ko ngayon bakit ngayon niya pa ako binalikan...

Nanghihina akong napasandal at lumuha sa isiping iyon. Rinig ko ang tawag sa akin nung isang lalaki pero hindi ko siya pinansin habang kung ano anong mga senaryo ang pumapasok sa isip ko kapag nahawakan na muli ako niya...

Patient 033Where stories live. Discover now