Chapter 3

119 5 0
                                    

Chapter 3

"I hate you, dad, I hate you!" She cried as she stood up, both hands fisted in anger. She was about to walk out of the room when her dad spoke.

"By the way, remember my proposal?" He asked. Her back was facing him.

She remembers it but stayed her mouth shut, so mad to answer him.

"It still stand."

Pagkasabi nito ay agad na siyang tuluyang umalis pabalik sa kanyang kwarto. Natigilan si Emerald ng makasalubong ang stepmom at ganoon din ito. Bakas sa mukha nito ang pag-alala habang nakatingin sa kanyang mukha na namamasa dahil sa patuloy paring pagdaosdos ng mga luha sa kanyang bahagyang namumugtong mga mata.

"What happened? You're crying." She queried. Her motherly instinct was kicking in.

Her voice was soft and sincere, so motherly. Unconsciously, Emerald's eyes gleamed with longing for something she didn't know that only her heart did by the faint warmth it felts from her. But she was blinded enough by her hate to perceive the pleasantness of it.

Hindi kinibo ni Emerald si Lessana at agad ding nag-iwas ng tingin. Nilagpasan niya ito at saka dumiretso sa hagdan patungo sa kanyang kwarto, pabalibag niyang isinara ang pinto.

Pinanood ni Lessana si Emerald na padabog na umalis. Di niya maiwasan ang maawa dito sa sitwasyon na naroon ito. Kung may magagawa lang sana siya para maibsan ang lungkot nito.

Eksaktong pagkasara ng pinto, kumawala ang kanina pang pinipigilang paghikbi at panginginig ng katawan ni Emerald. Mas lalong bumuhos ang kanyang mayayamang mga luha. Napasandal siya sa pinto dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman. Nanghihinang dumaosdos ang kanyang likod sa pinto at napaupo sa sahig.

Patuloy parin ang pagkawala ng maiinit na likido ang kanyang mga mata na sumasabay sa pinigilang lumakas na paghagulgol habang yakap-yakap ang kanyang mga binti at ang kanyang mukha ay nakasubsob sa nakadikit niyang mga tuhod. Wala siyang ibang alam na gawin para ibsan ang sakit at galit na nadarama kundi ang umiyak ng umiyak hanggang sa matuyo kanyang mga mata sa kakaiyak at wala ng mailuha pa.

MEANWHILE. Pinuntahan ni Lessana kung saan galing si Emerald. Naabutan niya roon ang asawa nakatulala at tila may malalinm na iniisip. Tumikhim siya bago pa siya nito napansin. Pilit siya nitong nginitian at sinuklian niya naman.

Inilapag nito ang basong hawak sa centertable at saka siya nito sinenyasan na umupo sa hita nito. Malugod naman niya itong pinagbigyan. Agad siya nitong niyakap at ipinatong ang baba sa kanyang balikat.

Inabot ni Lessana ang buhok ng asawa at masuyong sinuklay ang buhok nito gamit ang kanyang mga daliri.

"Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" Tanong niya dito.

"Hmm." Tanging sagot nito

"You're hurting her."

"I know. But nevertheless it can mold her into a strong woman."

"Bakit di mo na lang sabihin sa kanya ang totoo?"

Mas lalong humigpit ang yakap nito sa asawa. "No, hindi muna ngayon kung maari ay hindi na niya dapat malaman pa." Walang pagdadalawang isip na sabi nito.

"Pero alam mo naman siguro na walang sikreto ang hindi nabubunyag, diba?"

Hindi ito nakasagot sa tanong niya.

"Mas mabuti siguro sabihin mo ang totoo sa kanya kesa sa iba pa niya malalaman. Mas lalong sasama ang loob non." Kumbinsi niya dito habang patuloy parin ang kanyang masuyong mga daliri sa ulo nito.

EL GRECO SERIES#1: Morrison El Greco Where stories live. Discover now