Chapter 5

122 5 0
                                    

Chapter 5

"What's the meaning of this?" Naguguluhang tanong niya sa sarili.

Lumuhod siya sa sahig para muling tingnan, iniisa-isa niya ang iba't ibang shots ng litrato, kung tama ba ang nakita niya at hindi lang siya pinaglalaruan ng imahinasyon niya. Ngunit kahit ilang ulit niya pa tingnan ay walang nagbago na mas lalo lang sumikip ang dibdib ni Emerald.

Humigpit ang hawak niya sa mga litrato na parang pinanggigilan ito. Saka niya lang napansin na umiiyak na pala siya ng pumatak ang luha niya sa litrato. Kaya marahas niyang pinahid ang palad sa pisngi.

Napatingin siya sa sobre at napansin na parang may natira pa roon kaya kinuha niya. Napatakip siya ng bibig sa gulat sa nakita. Nakayakap si Jessica kay Drake habang nakaunan sa braso nito at parehong mahimbing na natutulog sa ilalim ng kumot at sigurado siyang parehong mga walang saplot ang dalawa sa ilalim nun.

" H-how? Why?" Nanlulumong napaupo si Emerald sa sahig. "How can you do this to me, Drake!" She snapped. "Is this your revenge for what I did year ago? You should have told me you don't trust me and love me anymore rather than cheating on me! And with Jessica? Oh my god! Kailan pa, kailan pa to nagsimula?"

"Kaya ba isang linggo ka nang hindi nagpakita sakin. Oh God! you're such a coward ni hindi mo nagawang harapin ako.....How dare you! You made a fool out of me you made me believe you love me, you made a fool of me of believing that. I hate you! I hate you!"

Tumayo si Emerald para kunin ang cellphone sa ibabaw ng bedside table para tawagan si Drake. Ngunit hindi niya ito makontact. Nagtagis ang bagang niya sa galit.

Gusto niya ng eksplinasyon mula dito. Gusto niyang magpaliwanag ito sakanya. Mahal niya si Drake kaya ang sakit sakit para sakanya ang ginawa nito. Ni hindi man lang ito nagpakita sakanya.

Huminga ng malalim si Emerald para kontrolin ang emosyon. Inayos niya ang sarili saka lumabas ng kwarto at bumaba. Palinga linga siya at maingat na lumabas papunta sa garahe baka mahuli siya ng mga katulong o bodyguard o ng driver niya dahil pag nagkataon ay hindi siya makakalabas ng bahay.

Aakmang bubuksan na niya ang pinto ng kulay mahogany metallic na Porsche cayenne niya ng maalala na wala pala sa kanya ang susi, nasa ama pa niya, kinumpiska nito iyon noon dahil sa hindi na niya maalala na dahilan at nakalimutan niyang kunin uli. Eh di niya rin naman kasi iyon nagagamit na sasakyan dahil most of the time ay may hatid sundo siya kaya di niya naalala. Kaya lumabas siyang ang sasakyan ng kuya na grigio estoque na  Lamborghini aventador ang ginamit niya. Hindi naman siya makikita sa loob dahil heavy tinted ang windows at windshield nito.

Kinabahan pa siya ng pinagbuksan siya ng guard ng gate para makalabas siya. Nang makalabas na siya ay saka na siya nitong sinubukan habulin. Siguro narealize na nito na hindi pa umuuwi ang kuya niya galing sa companya pero lumabas na ng mansion na gamit ang Lamborghini. At malamang alam na nito kung sino ang maaaring gumamit ng sasakyan.

Gustong matawa ni Emerald ng matanaw niya sa rearview mirror ang gwardiyang napakamot na lang sa batok. Pero masyadong mabigat ang dibdib niya ngayon para magawa yun.

Dumiretso si Emerald sa address kung saan ang building ng company ng pamilya ni Drake. Sinubukan pa niya ulit itong tawagan ngunit hindi talaga ito makontact baka pinatay nito ang cellphone. Sinubukan niya ring tawagan ang opisina nito. Nakailang ring din siya bago nasagot.

"Hello good-" hindi na niya ito pinatapos.

"Nandiyan ba si Mr. Cordova?" Agad niyang tanong.

"This is his secretary. Sino po sila?" Tanong nito sakanya.

EL GRECO SERIES#1: Morrison El Greco Where stories live. Discover now