Chapter 12

114 3 0
                                    

Chapter 12

Agad na nahimasmasan si Emerald ng banggitin nito ang dad niya. Kusang tumigil ang luha niya. Marahas niyang binawi ang kamay dito. Humakbang siya paatras mula dito at pinandidilatan ito ng tingin.

"Stop right there, Drake... You don't get to say that to my dad. How dare you call my dad a liar! My dad has nothing to do with your father, they're not even acquainted to each other." Tumaas ang boses ni Emerald dahil sa sinabi nito tungkol sa ama niya.

Aminado si Emerald na nagalit siya sa kanyang ama dahil sa ginawang desisyon nito na di niya nagustuhan. Ngunit ang tawagin nitong sinungaling ang ama niya ay ang hinding-hindi niya matatanggap. Lying was not allowed on their home. That was the number one rule that her dad himself implemented on their house. She might have confessed a half-baked truth sometimes, but she never lied or hide a vital matter, such as how Drake made his claim sounds like.

"But I'm telling you the truth!" Tumaas din ang boses nito, na tila meron talaga itong ipinaglalaban.

Pilit na kinontrol ni Emerald ang kanyang paghinga para pakalmahin ang kaniyang emosyon. Ayaw niyang patulan ang pinagsasabi ni Drake dahil sa itsura nito ngayon ay parang wala ito sa huwisyo kaya kung ano na ang pinagsasabi. "Enough, Drake. I don't like where it's going. Go home. You seem exhausted. You need to take rest so that it can help you clear your mind. Papasundan kita kay Husue pauwi since mayroon ka namang dalang sasakyan para masigurong makauwi ka ng ligtas."

"But-."

"I said enough already! You listen to me and I might consider giving you a chance to explain yourself."

Bakas ang pagtutol sa mukha nito ngunit wala itong magagawa dahil wala rin naman itong ibang pagpipilian kundi ang gawin ang nag-iisang option na ibinigay dito ni Emerald. "A-Alright." Malungkot at nangalumbabang tugon nito.

"Good. Now, get up. I'm no saint for you to kneel before me." Anas niya sa binata.

"When can I talk to you again?" Paninigurong tanong nito sakaniya.

"I'll tell you when, but not now. Please, you need to leave now before my dad arrives."

Pagkatapos niyang banggitin ang dad niya ay agad itong natigilan at saka dali-daling tumayo. Di niya tuloy mapigilang ihambing ang pagkakatulad nito kay Edison.

Ilang beses niya pa itong pinakiusapan para umuwi na. Halos itulak pa niya ito para lang pumasok sa sasakyan nito. At sa huli ay nagawa nga niya itong pauwiin. Gaya ng sinabi niya kanina ay pinasundan niya ito kay Husue para masiguradong ligtas itong makauwi.

Nang makaalis na ang mga ito ay agad na ring bumalik sa sasakyan si Emerald upang pumasok na sa loob ng compound nila.

Wala ang dad niya sa bahay ngayon dahil meron daw itong dinaluhan na dinner party para sa dati nitong kaibigan, noong nag-aaral pa ito ng kolehiyo sa Cambridge, na magmimigrate na sa Canada. Late itong uuwi kaya nagawa rin ni Emerald na umuwi ng gabi dahil alam niyang mamaya pang alas nuebe uuwi ang daddy niya.

Pagkatapos ng pangyayari sa tapat ng bahay nila Emerald, pakiramdam niya kahit papaano ay gumaan ang kanyang dibdib. Kaya palaisipan sakaniya ang tunay niyang damdamin para sa binata, at kung talaga bang galit siya kay Drake o dismayado lang siya dahil bumaliktad ang expectations niya dito. Nakapagtataka kasi ang pagkasalungat ng emosyon niya para dito.

Galit na galit siya dito nong una. Pero di niya ata kayang magalit dito ng matagal.

NANGAKO si Emerald na makikipag-usap siya kay Drake, mag-aapat na linggo na ngunit hanggang ngayon hindi niya pa ito napaglaanan ng panahon. Pero hindi niya nakakalimutan iyon. Araw-araw iyong sumasagi sa isip niya lalot na't tinitext din siya nito tungkol ron. And this past few days lang ay tumigil na rin ito sa pangungulit sakaniya na ipanagpapasalamat naman niya.

EL GRECO SERIES#1: Morrison El Greco Where stories live. Discover now