Chapter 13

212 7 7
                                    


Chapter 13

"Isang linggo ko ng napapansin na dito kana sa kusina nag-aalmusal, hija. May problema na naman ba kayo?" Tanong ni Manang Linda pagkatapos nitong ilapag ang kaniyang almusal

Simula nong marinig ni Emerald ang usapan ng dad at kuya niya ay parang biglang nagbago ang lahat. Buong gabi siyang hindi nakatulog ng gabing iyon dahil sa kung ano-anong mga bagay na pumapasok sa isip niya. Sa sumunod na araw niyon ay iniiwasan na niya ang mga ito dahil baka hindi niya mapagilin ang sarili at kung ano-ano pa ang lalabas sa bibig niya na pagsisihan niya pagkatapos.

Isa na don ay iniiwasan niyang maulit ang nangyaring muntik nang makunan ang stepmom niya dahil sa kaniya. Kaya kung maaari ay iiwas siya mga ito.

Halos gabi-gabi na si Emerald na hindi makatulog ng maayos, ebidensiya dito ang malalalim na eyebags sa mga mata niya. Paminsan minsan rin siyang nababalisa at madalas ring pabago-bago ang kaniyang mood.

Kapag nasa bahay naman siya ay halos nasa loob lang siya ng kaniyang kwarto. Lalo kasing sumisikip ang dibdib niya sa tuwing nakikita niya ang mga taong may tinatago sa kaniya na kaswal na kaswal. Lalo na sa tuwing nakikita niya ang mga ito na nag-uusap usap. Pakiramdam niya ay outsider siya sa pamilyang ito. Nakakasakit sa mata.

Sa kabila ng nalalaman niya at hindi niya kinumpronta ang mga ito. Wala namang mangyayari kung magtatanong siya kung ano ang totoo dahil di niya alam kung magsasabi ba ang mga ito ng totoo o kaya'y magagawa pa niyang maniwala sa mga sasabihin ng mga ito. Pwera na lang kung ang mga ito mismo ang magsasabi sakaniya ng totoo. Baka sakaling magawa pa niyang maniwala. Kaya naghintay na lamang siya kung kelan ng mga ito sasabihin sa kaniya ang totoo.

"Where is Cindy, Manang?" Tanong ni Emerald kay manang Linda na abala sa kusina kasama si Manang Teresa.

Syempre ay napansin ng ginang ang pag-iwas niya sa usapan.

"Parang nasa pool area yata. Baka nagsimula ng maglinis ng swimming pool. Bakit, hija, may gusto ka bang ipagawa? Pwede kong tawagin kung gusto mo."

Agad namang umiling si Emerald. "Wag na ho. Kapag nakita niyo na lang si Cindy at wala ng gagawin ay saka niyo na lang paakyatin sa taas. Magpapatulong lang akong maglinis sa kwarto."

Pagkasabi niya non ay agad na nagkatinginan ang dalawang ginang sa kusina. Kilala nila dalaga at hindi nito ugali ang magpagalaw sa iba ng gamit niya sa kwarto, bukod sa kaniyang banyo. Gusto niya ay siya mismo ang mag-aayos at maglilinis ng sariling kwarto para kung may kailangan siya ay alam niya kung saan niya hahanapin. Kahit sa bathroom niya, hindi nga siya ang naglilinis ngunit siya parin nag aayos at nag-oorganize ng mga gamit niya roon. Kaya ganon nalang ang pagtataka ng dalawa.

"O sige." Sagot ni Manang Linda kay Emerald. "O siya, maiwan na muna kita dito Teresa may gagawin pa' ko sa labas." Anito saka lumabas ng kusina.

"Kelan pala babalik si Liza?" Tanong ni Emerald kay manang Teresa tungkol sa isa pa nilang katulong na umuwi ng probinsiya dahil namatayan ito ng kapamilya.

Tinanong niya iyon hindi dahil interesado talaga siyang malaman kundi para maibaling lamang ang isip niya sa ibang bagay.

"Ang sabi ni Cindy nung huli niya itong kamustahin ay sa susunod na linggo na daw si Liza babalik, pagkatapos ng ika-40 na araw na padasal sa yumao nitong lolo."

"Hhmm." Tanging tugon niya dito habang nanatiling nakatungo sa kaniyang pagkain.

Despite of her poor appetite, Emerald forced herself to finished the breakfast they prepared for her. After she finished the last pancake on her plate, she then drunk her glass of chocolate milk empty. The moment she put the glass back on the table, her brows puckered when her nose caught a strong and quite disgusting smell. Her nose scrunched up, sniffing, as she tried to trace the smell that lingers in the air. And when she finally realized where it came from, her head snapped towards Manang Teresa who were cooking on the stove.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EL GRECO SERIES#1: Morrison El Greco Where stories live. Discover now