Chapter 11

97 3 0
                                    

Chapter 11

"Are those hickeys?"

Sa kalagitnaan ng pananghalian nila sa isang sikat na restaurant, ay natigilan si Emerald ng bigla iyong tinanong ni Eunice sakaniya. Nabigla siya at bahagyang nataranta ng agad niyang mapagtanto kung ano ang tinutukoy nito.

Bakit ba kasi niya nakalimutan ang mga iyon? Nawala sa isip niya na hanggang ngayon hindi pa iyon nawawala.

Kahit si Nate na kumakain sa tabi niya ay natigilan din. Ngunit hindi para usisain si Emerald kundi para pukulin ng masamang tingin ang pinsan. Tinirikan lang naman ito ng mata ng huli.

Ang nasa isip kasi ni Nate ay "paano magkakaroon ng hickeys si Emerald na kung higit isang linggo ng hindi nagpakita ang kaibigan nito sa dalaga."

Habang nagmamaneho pauwi si Emerald ay ang eksenang yun kanina ang lumitaw sa isip niya. Parang may sariling isip ang kamay niya na umangat iyon para damhin ang gilid ng kanyang leeg na kung saan nakatanim ang hickeys sa kanyang balat.

Malapit na iyong mawala dahil ikatlong araw na niyon ito ngayon, ngunit nakita pa talaga ni Eunice iyon.

Nanginit ang magkabilang pisngi niya sa hiya kahit hindi niya naman kinumpirma iyon sa mga ito. Mabuti nalang at mukhang naniwala naman ang mga ito sa sinabi niya na pantal lamang iyon buhat ng pagkamot niya.

Sa unang pagkakataon ay hiniling niya na sana ay kulay kape na lang ang kaniyang balat niya at hindi maputi.

Kapagkuwan ay sumagi sa isip niya ang pagkikita nila ni Morrison sa grocery market kanina na siyang salarin sa mga hickeys sa leeg niya. Hindi siya sigurado kung namukhaan ba siya nito o hindi. Nakita niyang sinundan siya nito kanina ng nagmamadali siyang umalis pero hindi siya sigurado kung ano ang dahilan, dahil maaari din kasing baka gusto lang nitong maniguradong hindi siya nasaktan namg mabangga siya nito lalo na't hindi siya umimik ng humingi ito ng pasensiya.

Sa lakas ng kabog ng dibdib niya, hindi niya maitatanggi na kinabahan siya. Matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa niya kanina na hindi ito lingunin para tingin at suriin ang kabuuan nito na maliwanag ang paligid. But she didn't want to take the risk. Dahil baka himatayin siya at hihiling na sana hindi na magising  kung sakaling makikilala siya nito.

Gabi na ng napagdesisyonang umuwi ni Emerald. Pagkatapos nilang maglunch kanina ay agad na silang bumalik sa unit ni Eunice. Doon na siya nalipasan ng araw dahil nagmovie marathon pa silang tatlo at nagkukwentuhan sa mga ganap sa buhay nila.

And speaking of which, of course naikwento rin ni Emerald ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Drake. Dahil sigurado siyang hindi matatahimik ang magpipinsang iyon kapag hindi niya ililinaw sa mga ito ang nangyari.

Ilang metro nalang layo ni Emerald sa bahay nila ay nahila ang kaniyang isip nang natanaw niya na tila may kumusyong nagaganap sa tapat mismo ng bahay nila. Agad na nagsalubong ang kilay niya sa pagtataka.

Mula sa loob ng sasakyan ay naaninag niya kung sino ang mga naroon.

Naroon si Manang Teresa, at saka ang dalawang nagsasalitan na guard ng bahay nila. Nandoon din si Pako at si Mang Pedro ang mag-ama na parehong mga tao din ng bahay nila. Ngunit nasa isang tao lang ang buong atensiyon ni Emerald.. sa taong nagpupumiglas na makawala sa dalawang gwardiya na na parehong nakahigit sa magkabilang braso nito.

Humigpit ang hawak ni Emerald sa manibela kasabay ng pagbigat ng kaniyang paghinga.

Nang tuluyan nang siyang makalapit ay hininto niya ang sasakyan sa tapat ng mga ito mismo. Kaya natigilan ang mga ito at halos sabay sabay na napalingon sa kaniyang direksiyon.

EL GRECO SERIES#1: Morrison El Greco Where stories live. Discover now