Chapter 1

89 5 0
                                    

Zef's Pov

"Okay, everyone. See you all tomorrow." Pag-aanunsiyo ni Ms.Tuazon sa klase kasabay ng pagtunog ng bell.

Busy ako sa pagliligpit ng gamit ko ng may tumawag sakin.

"Psst!" sit sit nito sabay poke sa balikat ko.

"hm?" I hummed before I turn my head.

I was in a bit awe when I saw her face-isang napaka gandang binibini na naman ang bumungad sakin.

Ako lang ata ang di nainform na kailangan maganda pag nag-aaral dito sa RMC, well di ko na problema yun, maganda na ko from the start.

"sabay tayo mag lunch?" Pag aanyaya niya habang naka nguso na parang bibe.

"Di ka cute wag kang mag pout." Inis niya akong pinaikutan ng mata sa sagot ko.

Tanggalin ko kaya eyelash extensions nito, lakas maka taray peke naman pilik mata.

"Tch. I'm Vanessa Madrigal. Please, have lunch with meee!" Parang batang pagmamakaawa nito. "I don't know anyone kasi dito." Dagdag pa niya.

"So bakit ako? Di mo rin naman ako kilala." Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita ulit.

"I can feel kasi na safe ka naman kilalanin" Sincere nitong tugon. I stared at her for a bit bago ko napagdesisyunan na magpakilala na rin.

"Fine. Zeffiniah Cohansen." E-echos pa ba ako? Maganda na nalapit sakin oh!

"I know you na kaya." Proud na pagkakasabi nito habang nakangiti.

"Lah, di ko alam na peymus nako" Iba talaga nagagawa ng kagandahan ko, nagiging peymus agad. First day ko pa lang kaya.

Guys, ako lang to! 

"Kapal mo, kita ko kaya sa I.D mo" nevermind. Napangiwi na lang ako

"Sige kumain ka mag-isa ha?" pagbibiro ko rito. Tumawa lang siya saka ako hinila palabas ng room.

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria daldal siya ng daldal. Nakwento niya na nga ata buong buhay niya sakin. Nalaman ko rin na transferee din siya at di rin marunong magbisaya katulad ko. Napadpad daw siya dito galing U.S kasi gusto daw ng lola niya na makasama siya, may sakit raw kasi ito at mahina na. Halos pareho kami ng reason kaya naman mabilis din akong naging komportable sa kanya.

"Anong gusto mong lunch?" tanong nito

"Tapsilog and Hot choco, ikaw?" naglalaway kong sagot rito

"I had heavy breakfast, sandwich and coffee will do."

Ako na ang nagprisintang pumila at siya naman maghahanap ng pwesto namin.

Pagka tapos kong umorder at kunin ang pagkain namin, inihatid ko muna ito sa lamesa namin atsaka dumeretso sa coffee bar. Nandito kasi yung frappe, coffees and different kinds of foods and drinks na sa coffee shop mo makikita. Angas no? Mayayaman kasi nag-aaral dito na sabit lang ako. May sugar daddy kasi ako kaya nakapag-aral ako dito, Jk.

I was humming while waiting for our order ng banggain ako ng isang student na may hawak na hot coffee at nabuhos lahat sa uniform ko.

"Shit!" pareho naming hiyaw nung student. Nagtatalon ako sa sobrang init

"HUBARIN MO! DALI!" utos-sigaw nung lalaking nakabungo sakin pero di ko siya pinakinggan at pinapagpag ang mainit na kape na uniporme ko. Nagulat na lang ako nang hatakin nito ang uniporme ko na ikinatalsik ng mga butones saka niya dinapian ng wet wipes ang paso ko.

Nagitla ako sa hadpi dahil sa sudden contact nung wipes sa paso ko. Rinig ko ang pag singhap ng mga estudyante sa paligid at dahil na rin sobrang bilis ng pangyayare di na ako nakapag react pa. Matapos ang ilang segundo saka ko lang na realize ang itsura ko. Naririnig ko na rin ang bulungan ng mga estudyante sa paligid kaya agad kong tinabig yung kamay nung lalaki bago tinakpan ang sarili ko.

Agape LoveWhere stories live. Discover now