Chapter 8

53 5 2
                                    

Zef's Pov

8:30 na ako nakauwi ng bahay at nakita ko si mama na bihis na bihis. Mukhang may lakad ata.

"Good morning, ma. May lakad ka?" bati ko rito

"Oo, pwede ka bang sumama nak? Wala kasi ang papa mo"

"Sige po, saan po ba tayo pupunta?" pumayag na lang ako kahit pagod ako.

Wala naman akong hangover ang kaso lang kulang ako sa tulog.

Hindi ko naman pwedeng hayaan lang si mama na umalis lang mag-isa dahil may vertigo ito.

"Makikipag kita ako sa tita Amanda mo"

"may iba ka pa bang kapatid ma?" nagtatakang tanong ko sa kanya dahil ang alam ko tatlo lang silang magakakapatid which is tita Lucille, tita Gloria at bunsong si mama.

"Hindi, ang tita Amanda mo ay best friend ko nung highschool. Kakarating niya lang galing Paris para magbakasyon dito" tumango-tango naman ako

"Give me a minute maliligo lang po ako" nagmamadali akong nagpaalam sa kanya para maligo, ayoko namang pumunta doon na amoy sex pa.

Pagkatapos kong maligo sinuot ko lang ang loose long sleeve polo ko na white, khaki pants-cream color at white shoes. Nag-ayos lang ako ng kaunti bago bumaba.

Nakarinig ako ng pamilyar na boses habang tinatahak ko ang daan pababa ng hagdan. Boses na lagi kong naririnig sa loob ng RMC.

"Isasama ko kasi ang anak ko, ihja" rinig kong sabi ni mama sa kausap niya. Sakto namn na sumulpot ako sa likuran ni mama "Oh ayan na pala siya" wika ni mama ng makalingon siya sa akin giving me the full view of the woman in front.

"M-Ms. Tuazon." Nauutal na bati ko rito.

Hutanes! Ang awkward di pa kasi kami nakakapag-usap simula nung nangyare yung kiss.

"I told you, its Athena, tiba?"

"right! A-Athena. Tara na?" nilingon ko si mama na ngayon ay may mapang-asar na ngiti.

Please don't ma. Di siya ang type ko, kaibigan niya ang gusto ko!

Tahimik lang ako sa byahe habang si mama at Athena ang nagchichikahan, nag-uusap sila about tita Amanda.

Nalaman ko rin na anak ni tita Amanda itong si Athena. Ang liit nga naman talaga ng mundo.

Nakaramdam na naman ako ng antok kaya di ko mapigilang humikab-na agad namang napansin ni Athena.

"Sleep, I'll wake you up pag nasa hotel na tayo." Utos nito

"thank you" pagpapasalamat ko rito

"Nag inom kasi yan sila ng mga kaibigan niya kagabi kaya ayan puyat" chika naman ni mama kay Athena.

"Di ko nga alam saan yan natulog kagabi ehh pag uwi ang daming kagat ng lamok yung leeg" dagdag niya pa.

Bigla namang nag preno ng malakas si Athena saka tinignan ang leeg na bahagi ko, wala nang bakas rito dahil tinapalan ko yun ng foundation, grabe kasi ang daming nilagay ni Sav sakin. Di naman halatang pinanggigilan niya ko kagabi.

Napakagat ako ng labi sa sobrang tensyon na nararamdaman ko sa bawat tingin na ipinupukol niya sakin.

Shit! mama ang daldal mo po!!

Agad akong nag-iwas ng tingin mula sa nagbabaga niyang mga mata.

Pigil hininga akong na tuod sa pwesto ko nang biglang nanlamig ang loob ng sasakyan.

Agape LoveWhere stories live. Discover now