Chapter 5

67 4 2
                                    

Zef's Pov

"Mommy! She wanted to hurt the cat" sumbong ng asungot niyang anak kaya naman tinignan ako ng masama ng mommy niya. Like mother, like daughter talaga. Parehas masama ugali!

"Why would I do that? That's my cat!" pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Ms. Cohansen." Suway niya

"Just give me my cat, Ma'am aalis nako." Inilahad ko ang palad ko sa kanya pero tinignan niya lang yun.

"You haven't finished your food yet" mahinahong wika nito habang nakatingin sa pagkain sa likod ko

"Nawalan na po ako ng gana" but deep inside gustong-gusto ko pang kumain. Epal kasi yung anak niya.

Pinasadahan niya lang ako ng tingin bago dumeretso sa lamesa ko.

"Sit down, sasabayan ka namin kumain" utos niya at di man lang pinakinggan ang sinabi ko

kelan niya ba ko pinakinggan?

Ngayon ko lang na pansin na may dala pala siyang tray ng pagkain at inilapag iyon sa lamesa.

Sinunod ko na lang ang utos niya at pinagpatuloy ang pagkain ko kasama sila ng anak niya, mukha tuloy kaming pamilya.

So this is how it feels like having your own wife and kid.

Pinagmasdan ko naman si Mrs. Rossi na sinusubuan ang anak nito habang yakap parin ng bata ang back pack.

"Ma'am, anong pangalan ng anak niyo?" nag-angat naman siya ng tingin sa akin pagkatapos sumubo ng pagkain.

Napakahinhin sumubo kala mo di makabasag pinggan pero pag nagalit kulang nalang yanigin yung buong pagkatao ko.

Nayanig naman niya yung puso mo e. Walang kwentang banat ng isip ko.

Ha! Never! Hinding-hindi ako papatol sa may asawa't anak na.

"Ask her, she might tell you" walang ganang sagot niya

"Nevermind" pwede niya naman kasing sabihin may pa 'ask her' pa siyang nalalaman

"My name is Aerin, how about you?" masayang sagot ni bruwich. Mukhang nasa mood na ang anak ni ma'am, jollibee lang pala katapat

"I'm Rain. How old are you?" nagbilang muna si bruwich sa daliri niya bago yun ipinakita sakin.

"I'm 4 years old!" masayang wika nito pero agad ring nagbago ang ekspresyon niya at dahan-dahang nilingon ang nanay niya before she continued. "Actually today is my birthday, mommy and I used to celebrate my birthday with my friends but mommy is busy to her work, so I came with her instead of celebrating it."malungkot na kwento ng bata. Nakaramdam naman ako bigla ng awa kay Aerin kaya binitawan ko ang kubyertos saka hinawakan ang dalawang maliit na kamay nito at nilagay sa pisnge ko.

"Look Aerin, tita Rain can be your friend too. We'll be celebrating your birthday today, okay? Don't be sad na"after kong sabihin yun she showed me her gummy smile. I looked at Mrs. Rossi to ask for permission and for the first time I saw her smile before she nod her head.

There's nothing special in that smile pero grabe ang kabog ng dibdib ko, aatakihin ako sa puso sa ginagawa ng babaeng to sakin.

Dahil sa sinabi ni Aerin, lalong na buhay ang curiousity ko kay Mrs. Rossi at sa pamilya nila. Maraming tanong sa isip ko pero mas pinili ko na lang na manahimik. I don't want to mess things up dahil lang sa pagtatanong ko, I might trigger something that will make her push me away at ayoko nun. Kahit na lagi kaming magka-away ni ma'am di ko naman maatim na di na siya magpaparamdam sakin.

Agape LoveWhere stories live. Discover now