Chapter 4

49 4 0
                                    

Zef's Pov

Isang marahang tapik sa mukha ko ang nagpagising sa akin. Pagdilat ko mukha ni Aliyah ang bumungad sa akin, agad kong inilibot ang paningin ko, hindi na ito clinic nasa sasakyan na kami at nasa tapat na ng bahay namin.

"Masarap ang tulog mo kanina kaya di na kita ginising"

"Halata nga" humihikab kong saad sa kanya

"Dadaanan na lang kita bukas sabay tayo, btw yung phone mo kanina pa may natawag" tinignan ko agad yung phone kung sino yung tumawag kanina.

I saw 2 unregistered number at number ni Vanessa. Merong 8 missed calls and 3 messages yung isang unregistered number, yung isa naman may 2 missed calls lang at kay Vanessa na may 20 missed calls and 5 messages. Mamaya ko na lang babasahin tinatamad ako.

"Sige, ayoko rin mamasahe. Dito ka na magdinner alam kong mag-isa ka lang ngayon sa bahay niyo" Tumango naman ito bilang sagot.

Pagpasok namin ng gate sinalubong kami ni Leira, my cat at binuhat naman siya ni Aliyah. This one is fond of cats too katulad ko. Bumili pa nga yan ng mansyon para lang sa mga pusa niya di ko naman siya masisisi sobrang cute kasi nila. Sakto namang bumukas ang pinto at niluwa nun ang nanay ko.

"Oh! Aliyah anak kamusta?" Bati ni mama kay Aliyah atsaka ito niyakap ng mahigpit.

"Ako ma? Walang hug? Ako ho tunay niyong anak" pagmamaktol ko rito. Natawa naman si mama saka ako niyakap.

"Anong nangyare diyan sa kilay mo? Nakipagbasag ulo ka nanaman ba?"

"No ma. Natamaan lang yan ng helmet ko" tinaasan lang ako nito ng kilay halatang di tanggap ang paliwanag ko.

Hinyaan ko na lang siya wala rin naman kasing maniniwala na nagiging tanga nako lately. Di kasi ako yung tipo ng taong ganun. I am careful with my actions, I always have a plan ahead, matalino at di aanga-anga. Malakas kasi ako makipagbasag ulo noon maybe because I always seek war and blood. Like I was born and trained to be a warrior or somesort. War is my peace kumbaga ewan ko kung gets niyo pero that's how I feel, I can feel satisfaction from it kaya nga di bagay sakin na mag med pero yun parin kinuha ko baka sakaling mabago ako. I think it worked naman pero in a negative way. Naging tanga lang naman ako.

Pagpasok ko ng bahay dumeretso muna ako ng room ko para magbihis, pababa na ako ng hagdan ng marinig ko ang boses ni papa kaya nagmadali akong bumaba.

"Papa!" tawag ko rito saka niyakap. Namiss ko siya lagi kasing wala sa bahay at nasa negosyo niya lagi

"Kamusta anak? Oh! May bangas ka nanaman. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na yan, di kita tinuru-"

"Papa naman ehh. Andito kaya si Aliyah" nguso ko rito "Atsaka di naman ako nakipag away ehh nataman nga kasi to ng helmet" inis kong pangatwiran kay papa.

"Oo na lang Zeffiniah Rain" napabuntong hininga na lang ako sa sagot nito.

Buong dinner puro pangangamusta na lang ang ginawa ng parents ko kay Aliyah at tahimik lang akong nakain, nagsasalita lang ako pag may tanong sila sakin, pero bukod dun ay wala na.

Pagkatapos namin magdinner hinatid ko na si Aliyah sa sasakyan niya at nagpaalam bago ito umalis. Pinaalala niya pa nga gamot ko kahit wala na rin naman akong lagnat napaka overprotective talaga.

Nang di ko na matanaw ang sasakyan nito saka ko lang ako pumasok ng bahay nadaanan ko pang nanonood ng tv ang magulang ko kaya nag goodnight muna ako sa mga ito bago umakyat sa room ko.

Buong araw napaka stressful pero that changed ng makita ko si Aliyah at mabalitaang uuwi na ang dalawa pero may isang bagay ang sobrag bumabagabag sa isip ko, yun ang pagiging taken ko daw kuno sabi ni Ms. Tuazon.

Agape LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin