Chapter 11

50 3 1
                                    

Zef's Pov

I need some fresh air baka di ako makapag pigil na halikan si Vaine bukod pa ron nakita ko nanaman na papalapit ang kokak niyang asawa kaya umalis na lang ako at pinuntahan ko na lang yung batang nagpahiram sakin ng ukelele para ibalik yon.

"Sheena" tawag ko sa batang hiniraman ko ng ukelele. Agad naman siyang lumingon at ngumiti sakin

"How was it, ate?" excited niyang tanong na mukhang kinikilig pa nga.

"I don't know but atleast she blushed" natatawang wika ko rito bago inabot ang ukelele niya sa kanya

"Sheena!" Ibubuka pa sana ni Sheena ang bibig niya para magsalita pero natigilan siya ng may tumawag sa kanya.

"I think I have to go na, ate. Its nice meeting you po" pagpapaalam niya. Nagpasalamat naman ako sa kanya bago siya tuluyang makaalis.

Nilingon ko ang gawi nila Vaine at mukhang may quarrel silang mag-asawa, geez! Ayoko nang makisawsaw aakyat na lang ako sa kwarto namin para matulog.

Pag pasok ko ng room namin nag shower lang ako saglit bago humilata sa kama at natulog.

"Ares.. gising na"

"Gosh! Kanina si Lykxel, ngayon ikaw? Please, let me sleep in peace kahit ngayon lang." Inis na tugon ko rito atsaka ipinikit ang nasisilawan kong mga mata.

"Mrs. Rossi ayaw niya pong magpagising" napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig ko at agad na hinanap si Vaine pero ni anino niya wala akong nakita bukod sa tatlong demonyong tawa ng tawa.

"Iba talaga tama mo kay Mrs. Rossi, Ano?" natatawang komento ni Aliyah pero di ko siya pinansin. Wala na akong energy para magalit pa sa kanila kaya bumalik na lang ako sa pagkakahiga para matulog ulit.

"Oy! Teka Rain, dinner daw sabi ni tita!" inis akong bumangon at nagdabog palabas. Narinig ko pang tinawag nila ako pero di ko na sila pinansin sa sobrang badtrip ko.

Mga bwesit talaga. Kelan ba ko makakatulog ng mahimbing dito? Di ba nila maintindihan yung 'let me sleep in peace?'

Pagdating ko nang resto hinanap ko ang upuan nila mama, this time mabilis ko lang silang nahanap kasi kasama nila si Vaine. Masyado kasing takaw pansin ang ganda niya kaya di ko makakaligtaan yan kahit nakatalikod ako.

Dumeretso ako kung saan sila naka pwesto at padabog na umupo sa tabi ni mama. Masama ang gising ko kaya manahimik sila.

"Anong itsura yan, Zeffiniah?" bungad sakin ni mama bago ako tinignan mula ulo hanggang paa, judgerist talaga nanay ko.

"What?" walang ganang tanong ko rito bago sumandal sa upuan ko at nag cross arms.

"Bagong gising ka ano?" tumango lang ako bilang sagot.

"Zef, naka bathrobe ka lang" deretsong saad ni Athena na ngayo'y naka titig na pala sa akin.

Hindi ako nakapag salita, kaya pala ang daming nakatingin sakin pag pasok ko rito kanina. Tinignan ko naman ang mga suot nila at napaka leche nga naman talaga, ang aayos ng suot nila.

Dapat confident lang self, tama, yun nga!

"ehem! A-ano naman?" sinusubukan kong itago ang hiya ko. Tinignan ko bawat reaksyon nila at parang gustong matawa ni tita Amanda sa narinig niya samantalang si mama at Athena mukhang sila na lang ang nahihiya para sakin.

Huli kong tinignan ang mag-asawa, si Jacob parang gustong matawa pero tinignan ko siya ng masama kaya napayuko na lang ito at si Vaine ayon parang papatayin ako ng tingin.

Lagi naman, kulang na lang i-salvage niya ko. Umiwas na lang ako ng tingin rito bago itinuon ang tingin ko sa mga kaibigan kong bagong dating.

Pagka-upo ng tatlo agad ko silang binato ng masamang tingin. Katabi ko si Aliyah, si Lykxel kay Athena tumabi at si Lyxine naman napapagitnaan ng dalawa. Pabilog kasi ang lamesa namin at malaki.

Agape LoveWhere stories live. Discover now