Chapter 7

53 4 0
                                    

Zef's Pov

Lunch break na namin pero di ako pwedeng kumain dahil pinapatawag nanaman ako sa office ng magandang grimwich.

Naglalakad na ko papuntang office ni Mrs. Rossi nang matanaw ko ang isang familiar figure na nakatalikod sa gawi ko. Marahan ko itong nilapitan at niyakap sa likod kasabay nun ang pag lift ng katawan nito sa ere.

"BATISTA!" sigaw ko while doing batista moves

"HEY PUT ME DOWN!"

"Sabihin mo muna 'please master'"

"I SAID PUT.ME.DOWN." Galit na nitong wika.

Nang tuluyan ko na siyang maibaba humarap siya sakin and all I can say is-ako na ata ang pinaka tangang wattpad character.

"OMG I'M SORRY!" akala ko talaga si Bane!

"WHO IN THE HELL ARE YOU?" sigaw nito mismo sa pagmumukha ko

"Akala ko po kasi-"

"AKALA MO-WHAT? DO YOU THINK I'M PLAYING WITH YOU KID!?" pagputol nito sa sasabihin ko. Excited lang?

"What's happening here?"

"Athena!" para siyang batang nakakita ng paborito niyang laruan nang lumabas si Athena sa pintuan ng office ni Mrs. Rossi.

ako pa nga daw yung kid, mas mukha pa nga siyang batang uhugin kesa sakin.

"Venice stop acting like a child" suway naman ni ma'am sa kasama niya. See pati si ma'am alam na isip bata siya

"Me acting like a child? How about that woman!?" galit nanaman akong tinignan nito kaya umiwas ako ng tingin

"I already apologized tsaka di ko naman sinasadya" bwelta ko pa at di siya tinapunan ng tingin

"YOU-"

"Venice that's enough, pati ba naman bata papatulan mo?" suway nanaman ni ma'am kay ate Venice. Ako? Bata? wHAt??

"I swear when I see you again I'll beat your ass!" wika nito sabay hila nito kay Ms. Tuazon papasok sa office ni Mrs. Rossi

Pero bago pa nila maisara ang pinto pumasok na rin ako. Taka naman akong tinignan ng dalawa pero deretso lang ang tingin ko kay Mrs. Rossi na busy sa laptop niya.

Ayoko nang makipagsagutan sa uhugin na yun, akala ko naman ipagtatanggol ako ni Ms. Tuazon pero kahit siya tinawag akong bata.

Bata daw pero halos halikan ako nung nakaraang linggo. tch!

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa propesora na nasa harapan ko ngayon na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin, mukhang di niya talaga ako napansin.

Kung pagmamasdan mong mabuti bawat galaw niya ay napaka propesyunal, mula sa paghawi ng mga papel, pag-inom ng kape at pagbabasa ng mga emails. She's effortlessly hot and gorgeous.

Sana all asawa ni Vaine.

"Good afternoon, Ma'am" bati ko rito para maagaw ang atensyon niya mula sa laptop. Kung di ko tatawagin to baka magdamag akong maghihintay dito.

Nag-angat ito ng tingin para salubungin ang mga titig ko, paglapag pa lang ng mga mata niya sakin parang may kuryenteng dumadaloy mula rito patungo sa kung saang bahagi ng katawan ko kasabay rin nito ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Nakakapanghina ang tingin na ibinabato niya sa akin, gusto ata akong paluhurin sa harap niya.

This is how she affects me, nakakapangluyo at siya lang ang namumukod tanging nakakagawa nito sa isang Zeffiniah Rain Cohansen.

Agape LoveWhere stories live. Discover now