Chapter 6

61 5 1
                                    

Zef's Pov

Nandito ako ngayon sa coffee shop at umiinom ng hot choco while waiting for Ms.Tuazon. Ang usapan kasi namin after lunch kami magkikita dito.

I was scrolling through my phone nang maalala ko si Mrs. Rossi at Aerin. May instagram kaya si ma'am? Mukha kasing di yun mahilig sa socmed yet I still decided to look for her account but mission failed, walang nalabas.

Gagamitin ko na pagiging stalker mode ko.

I went to Ms. Tuazon's account since we followed back each other naman, dun ko hinanap sa posts niya ang acc ni Mrs. Rossi, tama talaga ako ng account na pinuntahan kasi madali ko siyang nahanap doon. Kaya naman pala mahirap siyang hanapin kasi iba ang name

"poisonVy" basa ko rito.

Ini stalk ko siya at mukhang mas famous pa siya compare Ms. Tuazon. Lahat ng pictures niya umaabot ng 50k pataas ang likes, ganda kasi.

Lahat ng pose niya sa picture ay napaka intimidating pero meron isang picture doon that really catches my attention. She's wearing her usual long sleeve polo pero naka open buttons iyon, revealing her big mounts and sexy body na parang nagmomodel siya ng calvin klein underware

Napalunok naman ako ng matindi at nakaramdam ng biglang init nang makita ko iyon. I immediately let go of my phone at nilagok ang hot choco and accidentally burned my tongue

"Fuck!"

Nagmamdali kong pinulot yung tissue sa tray at pinunas iyon sa dila ko habang hawak ang dulo nito. Nilingon ko ang salamin na katabi ko to see my reflection.

My tongue is reddened at mahapdi sa pakiramdam. Hindi ko na talaga alam kung tama pa ba tong epekto ni Ma'am sa'kin ni ultimo simpleng pag inom ng hot choco napapaso pa.

Okay pa ba ko?

Dahil sa pagiging lutang ko, hindi ko na napansin na pinagtatawanan ako ng mga tao sa labas.

Agad kong tinigil ang ginagawa ko at umakto na parang walang nangyare pero alam kong useless. Tapos na. Nangyari na ang kahihiyan.

Damn!

Mariin kong pinikit ang mata ko sa sobrang inis bago binalingan ng tingin ang phone ko, nanlaking mga mata kong tinignan ito cause I accidentally liked Mrs. Rossi's photo a year ago yung naka Calvin Klein siya.

Mabilis kong tinggal yun at nag exit sa application. Kung may award siguro ng patangahan makakakuha na ko.

Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa kaba. Baka isipin pa ni ma'am na stalker niya ko, gusto ko lang namn sila makita ni Aerin kasi na mimiss ko na sila agad pero bakit naman ganito??

Imbis na gusto ko siyang makita, parang mauudlot pa ata. Grabeng kahihiyan na'to! Sagad naaa!

Napahilamos ako sa mukha ko out of frustration ang tagal pa ni Ms. Tuazon, speaking of the Angel half monster, nakita ko na siyang pababa ng kotse niya which is Audi R8 na black with the touch of white bago sinuot ang black shades niya.

She's walking gracefully towards the coffee shop entrance, lahat ng taong nasasalubong niya ay napapalingon sa kanya, kulang na lang tumulo laway nila.

She's wearing her dark green overcoat, white turtle neck inside with matching white fitted pants and black heels. Napansin ko rin ang kwintas niyang rose gold na may pendant na small dolphin.

She's not Athena for nothing, a true goddess indeed..

Nang tuluyang makapasok ito tinanggal niya ang shades niya saka inilibot ang mga mata, ikinaway ko ang kamay ko para makita niya ko agad, di naman ako nabigo ang ganda kasi ng ngiti niya nang magtama ang mga mata namin.

Agape LoveWhere stories live. Discover now