VOTE.COMMENT KAYO NA BAHALA :))
HAPPY VALENTINES DAY.. wala lang naisipan ko lang mag update ngayon. :) Sana magustuhan niyo yung chapter na to kase.. Ito ang favorite part ko. ^___________^
LAST 6 CHAPTERS NALANG TAYO :))
CHAPTER 9: GAME OVER
TWAYLEM
Halos mapatayo ako ng may marinig akong umaalingawngaw na boses ng babae. Tatayo na sana ako, kaya lang ang bigat ng ulo ko. Sobrang sakit, napasobra yata yung inom ko kagabe.
Kinisot-kusot ko yung mga mata ko, sa twing natatamaan sila ng sinag ng araw.
''Where is she?! Nasaan ang malanding babaeng yan?!'' pagka bukas ng pinto, pampainit ng ulo agad yung bumugad.
''Baket? Anong problema mo?? Bakit hinahanap mo ako??'' mainit pa naman ang dugo ko ngayon, lalo pang nag init ng makita ko ang pagmumukha ng Breinleigh na to.
''Tumayo ka diyan at mag uusap tayo!'' utos nito sa akin. Naka tingin lang ako kay Danger. At napapakamot nalang ito sa ulo. Binalik ko yung tingin ko kay Breinleigh.
''Ayokong tumayo, ikaw yung gustong makipag usap diba? Edi ikaw ang maupo. Huwag mo akong utusan hindi mo ako pinapalamon.'' mataray na sabi ko sakanya. Pero tuloy pa rin ito sa pag taas ng kilay niya.
''Oh! Huwag mong masyadong itaas yang kilay mo, nalulukot yung mukha mo. LALO KANG PUMAPANGIT.'' tumayo na ako dahil dinuduro duro na niya ako.
''Huwag mo nga akong duruin ng ganyan kung ayaw mong durugin yang daliri mo.'' nag simula na rin akong mag taas ng isang kilay. Lakas niyang makapanira ng araw.
''Ang landi mo alam mo yun?'' natawa ako ng sabihin niya yun. Ako pa talaga ang malande?? Wow lang..
''Hindi ako malande, sadyang mas maganda lang ako kaya iniiwanan ka ng boyfriend mo.. Ohh! bago ko makalimutan, WALA NA KAYO. So free na siyang lumandi. Kawawa ka naman..'' nag sisimula ng mamula ang mukha niya, samantalang ako pa chill chill lang.
''Aso kaba?? Habol ka kasi ng habol e.''
''Ahh?? Aso pala?! Sige!'' hinila niya yung buhok ko, siyempre.. Papatalo ba ako.
Sinakal ko siya, atleast makalbo niya man ako.. Mapapatay ko siya.
''Huwag mo akong pag bintangan, wala akong nilande!!'' tuloy pa rin ito sa pag sabunot sa akin.
''Sige lang! Huwag kang mag alala, unti-unti makaka ganti ako sayo! Ingatan mo ang boyfriend mo.. Dahil konti nalang, makukuha na siya ng kapatid ko.'' siyempre nag init lalo yung dugo ko.
Fresh pa sa kaisipan ko yung harap-harapan na pag tataksil sa akin ni Tao.
''Twaylem, tama na!'' puma-ibabaw ako sakanya at pinag sasampal sampal siya sa mukha. Wala na akong pake kung dumudugo na yung bibig at pulang-pula na ang pisngi niya.

YOU ARE READING
LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)
HumorWATCH THE PROMOTIONAL VIDEO. NANDYAN SA SIDE :)) PARENTAL GUIDANCE IS ADVICED. Lilipat na ng school si Tao, dahil sa kagagawan ng kanyang aroganteng ama. Magiging ganun pa rin ba ang love story nila? O mag babago, dahil may mga bagong characters na...